"Yes!" sigaw ni Ciara at bahagya pa itong nagulat ng biglang may magsalita mula sa kung saan.
"Anong Yes?" tanong ni Steffan sa kanya ng mabungaran ang dalagang sumigaw. Sa kanilang magpipinsan si Steffan ang pinakamailap, masungit, at hindi agad-agad nagtitiwala sa mga taong kanyang nakakasalamuha.
"Ahmp wala naman, masaya lang ako." sagot agad nito sa kausap.
"Talaga!? sobra naman atang saya niyan na pati ako ay magising na sa ingay mo." angil ng binata sa kanya.
"Hay nako pinsan masiyado kang usyusero, tumigil ka nga at baka masira mo pa ang gabi ko, padaan nga frog!" Anya sabay tabig nito sa pinsan n'ya na pailing-iling habang napapangiti.
"Anong frog? 'di mo ba alam na ang frog na ito ang pinakahabulin ng mga babae? kung maka-frog lang ang peg mo kate, baka 'di mo alam na pinagtatakpan na kita kina tito dahil sa gulong ginawa n'yo ni Rhea." reklamo ng binata habang nakasunod sa dalaga.
"'Di ko kasalanan 'yun ah, tsaka bagay lang 'yun du'n sa Mia na 'yun,"pagsasaad niya na biglang natigilan ng maalala ang nangyari sa office.
Naglakad na patungong office ang mga nasasangkot sa gulo kabilang na doon si Ciara at ang best friend nitong si Rhea. Bago tuluyang nakapasok sa loob ang apat ay kumatok muna ng makailang beses ang mga ito. Tatlong mahihina bagamat magkakasunod-sunod na katok ang ginawa ng mga ito. Maya't-maya pa'y may bumukas ng naturang pintuan.
"Magsi-upo kayo!" bungad ng terror teacher nila.
"Hindi ko na patatagalin pa ang aking sasabihin sa inyong lima."simula pa nito. Tumikhim muna ito bago magsalitang muli.
"Simula bukas ay hindi na kayo pwedeng pumasok ng kanya-kanya ninyong klase hangga't hindi ninyo nagagawa ang mga dapat ninyong gawin."dugtong nito.
"Po?" naglalakihan ang mga matang napaangat ng ulo ang mga nasasangkot.
"Oh my golly what!?"napabugang hangin na lamang si Ciara ng mga sandaling iyon.
"Ma'am laban na ako doon umawat nga lang ako eh."ani Ciara na hindi parin makapaniwala.
"Hey damay-damay na 'to. Ano 'to iwanan sa ere?" Paangil naman ni Rhea.
"At anong umawat ha bitch? look at what you've done to my face!"reklamo ni Mia sabay turo sa kanyang mukha. "Can't you see this damages? Tuloy ang pangit-pangit ko nang tingnan!"dugtong pa nito.
"Bakit kailan ka ba naging maganda hah? eh pang inidoro naman talaga 'yang face mo ah! Tingnan mo nga 'yan sa salamin at ayos-ayusin mo naman baka sakaling magustuhan ka man lang kahit ng mga gorilla sa zoo." sabi ni Rhea na nang aasar pa talaga.
"Aba't hinahamon mo ako ah." walang ano-ano'y sinugod na naman nito ang dalaga tumulong na rin ang dalawa pa nitong mga kaibigan at walang anu-ano'y sinabunutan na rin si Ciara.
"Anak ng tokwa naman oh, bakit ka nananabunot hah?" angil ni Ciara sabay sugod nito kay Mia at sa dalawa pa nitong kasamahan. Hinila ni Ciara ang buhok ni Mia at ang buhok ni Katrina saka pinag-uuntog ang mga ito, hindi pa nasiyahan at pabalya niya itong tinulak.
Hindi na malaman ng teacher ang kanyang gagawin sa mga estudyanteng nagkakagulo. Minsan n'ya lang makita si Ciara na masangkot sa gulo dahil kilala niya ito. Isang may dangal at may pinag-aralang estudyante si Ciara. May matataas na marka at kabilang sa mga top lister ng school university nila.
"Magsitigil na kayo! Hindi na kayo nahiya, ang tatanda n'yo na! Mga college student pa naman kayo, what do you think your doing? Is that what you have learned for almost a year?"
"S-sorry ma'am." halos sabay na sabi ng lima. Pero tila ayaw magpaawat ni Rhea dahil nang magtungo sa comfort room si Mrs. Cruz ay agad nitong pinunit ang damit ni Mia.
"Hey you freak!"Sigaw ni Mia sa dalaga habang ngumiti at pabulong na gumanti sa sinabi ni Mia. "Same to you bitch! Or should I say freaking witch!"
Gaganti pa sana si Mia ngunit 'di na niya naituloy nang makabalik si Mrs. Cruz buhat sa loob. Nagulat pa ito sa damit ni Mia na halos kakikitaan na ng kaluluwa.
"My God ano ba ang gagawin ko sa inyong lima? Kayong mga bata kayo, marapat sa inyo ay parusahan ng magtino kayo. Nakapag-decide na ako. Ciara and Mia, kayo ang maglilinis ng CR in two weeks. Rhea, Katrina and Brenda kayong tatlo ang magma-mop, magwawalis ng bawat pasilyo. Lahat ng 'yan ay gagawin ninyon araw-araw. Bawal kayong pumasok sa mga silid ninyo hangga't hindi tapos ang gagawin ninyo!"
"Pero ma'am_"
"That's final. Hindi na kayo suspended sa halip ito nalang ang gawin ninyo! magtanda man lang sana kayo, you may go now."at sabay na tumalima ang mga ito. Samantala may naisipang plano si Mia para kay Ciara.
"Hoy Ciara narinig mo ba ako?" pukaw ng binatang kanina pa nagsasalita sa harap niya at agad naman itong napabalik sa kasalukuyan.
"Lutang na naman 'yang isip mo eh."
"H-ha? O-oo naman hehe sige insan matutulog na ako."anitong napapailing-iling na rin. "Bakit ba iyon ang naisagot ko?"anya sa sarili.
"Lutang nga tsk tsk," anas naman ni Steffan. Napapailing pa ito habang hinahatid ng tanaw ang kakaalis lang na pinsan.
Samantala nag-iisip naman ng magandang plano si Mia para sa gagawin niyang paghihigante sa magkaibigang Rhea at Ciara.
"Humanda ka tiyak na 'di mo magugustuhan ang gagawin ko sayo bukas! Kahit kailan ay hindi ko mapapalampas ang ginawa niyo sa akin sa araw na ito."anitong kinakausap na naman sa muling pagkakataon ang kanyang sarili.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakarinig sa mga pinag-uusapan nila at mga binabalak.
Itutuloy....
![](https://img.wattpad.com/cover/81816049-288-k387883.jpg)