Chapter One by; Jhansis

5.6K 54 2
                                    

ARAW ng lunes nasa canteen sina Ciara at Rhea ng biglang dumating ang tatlong bruhang mahilig sa gulo, habang busy sa pagpila ang magkaibigan hindi nila namalayan ang tatlong babae na pinaglalagyan ng ketchup ang kanilang mga bag.

Masayang nag-uusap ang magkaibigang Rhea at Ciara ng biglang napansin nila ang tila maglakit at namamasa sa loob ng kanilang bag.

"My God what happened to my bag?" sabi ni Rhea na gulat na gulat sa kanyang nakita.

"What a mess!" Buladas pang muli ni Rhea.

"Hey girls! nagustuhan nyo ba ang aming munting sorpresa para sa inyong dalawa? Well hindi lang yan ang kaya naming gawin sa oras na hindi n'yo pa lubayan ang kakasunod kay Dennis at Andrew!" Pasigaw na wika naman ni Mia na nandidilat pa ang mga mata.

"So, it was you!"anang dalaga na inihahanda na ang kanyang sarili sa maaaring mangyari. Samantalang si Rhea naman ay humakbang papalapit sa kinatatayuan ng dalawang babae.

"Aba't kami pa pala ngayon ang dapat umiwas ganun ba? huh! Ala eh kikakapal ng mga mukha. Kung inaakala mong mapapalampas ko ang ginawa mo sa aking mga gamit sorry nalang dahil nagkakamalikang bruha ka!" Pabulyaw nito sa dalawa.

Hindi naman magkaumayaw sa pag sabunot ng buhok ni Mia si Rhea ng oras ding iyon. Hila dito, hila doon ang ginawa n'ya sa dalawang bruhang nagdumi sa bag n'ya, habang si Ciara naman ay nakatulala sa ginawa ng kanyang kaibigan.

Sinusubukan na ni Ciara na awatin ang kaibigan pero parang bingi lang ito na hindi marinig ang bawat sinasabi n'ya para dito. Ngunit imbes na tulungan pa sila ng mga estudyanteng nakakita sa kanilang rambulan ay kabaliktaran pa ang ginawa ng mga ito..hiyawan doon, hiyawan dito na akala mo'y mayroong sabong na titiningnan sa isang ring.
Samantala parehong habol ang mga hiningang napatayo ang mga ito ng dumating ang mga guards ng kanilang school kasama ang pinaka terror nilang teacher.

"My God best wala ka talagang takot. Tingnan mo nga 'yang sarili mo ngayon. Sa tingin mo ba tama ang ginawa mong pakikipag away sa kanila sa ganitong kaaga at----" hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Ciara sa kaibigan ng humarap dito ang terror teacher nila.

"Mrs. Cruz!?" halos sabay-sabay na sambit ng mga babae, kung kanina halos mapuno ang canteen ng mga estudyante 'wag ka ng dumating ang terror teacher nila tila parang mga bula namang naglaho ang mga nakinood sa kanila.

"Ikaw, Ikaw!" Sabay turo sa mga nakikipag-away. "Kayong lahat come to my office, now!"

"Pero ma'am 'di naman po kami ni Rhea ang nagsimula ng gulo eh."

"I said come to my office now!" napasigaw na ito pero ng makatalikod na si Mrs. Cruz ay saka pa lamang pinatid ni Ciara si Mia kaya halos mamudmod na ang mukha nito sa may semento.

"Aba't humihirit ka ah, bakit mo ako pinatid?"
Inis na buladas ni Mia habang nakangiti ng mapang-asar ang dalaga. "Bakit? eh pa'no umaawat lang ako pati ako mapupunta na sa office? Sino ba naman ang matutuwa nu'n? kaya 'yan bagay naman sa 'pang inidoro mo'ng mukha e! don't worry kadudura lang ni Mang Anton d'yan tiyak akong fresh pa ang laway na didikit d'yan sa pisngi mong mukhang tambayan ng inidoro."

"Aba't ang walang hiya! Kaasar!"bantulot ni Mia at ibinagsak pa nito ang kanyang mga kagamitan sa mesa.

"Huwag ka na ngang humirit asar kang bruha ka! kayo naman kasi talaga ang nagsimula e, pwe! Dami pa'ng laway d'yan baka gusto mo pa Mia sabihin mo lng at tutulungan kitang madikit d'yan." Pang-iinis pa ni Rhea.

Habang sa hindi kalayuan ay nkita sila ni Dennis na sobrang nangingiti habang pinapanood ang mga nangyayaring kaguluhan sa canteen.

ITUTULOY......

I Want You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon