sa hospital, sabay na kinausap nina eugene at steffan si doctor Muir. nakiusap ang magkapatid na kung pwede na ba nilang mailabas si Ciara, nung una ay ayaw ng doctor nito na payagan ito, ngunit nakiusap ang dalaga na gusto na niyang umuwi, matagal din silang nakipagdiskusyunan hanggang sa pumayag na rin ito,
"cge papayag akopero dapat may nurse na laging nakabantay sa kanya saan man siya magpunta dahil hindi AKO mapapanatag ng wala ang bantang iyan dito. parang anak ko na rin iyan kaya cge makakauwi siya ngunit dapat lagi sa tabi nito ang nurse na magmomonitor sa kanya" gulat silang lahat pero dahil nga gusto na ng dalagang makauwi ay pumayag na rin ito.
nasa kahabaan na cla ng daan at maya-maya pa ay nasa labas na sila ng bahay nila. ng makapasok ay agad silang nagtungo sa kanya kanya nilang silid, si Ciara kasama niya si nurse jean at ito ang naging katuwang ng dalga sa mga ginagawa nito.
************************************
kring kring...............kring.................
maagang nagising si Ciara dahil sa pagtunog ng alarm clock nito, ganun pa man kahit pupungas pungas pa ay dumeritso na ito sa CR at naligo na. tulad ng dating kagawian ay naligo, nagtoothbrush, at nagbihis na rin ito.
nang makatapos na siyang mag-ayos sa sarili ay agad na rin itong bumaba, nadatnan niyang kumakain ang kanyang mga pinsan kasabay na rin si jean ang kanyang personal na nurse, natutuwa sa dito dahil maalaga at mabait din ito.
"Good morning!" bati niya sa mga nasa hapag kainan,
"Good morning din naman, sabay na tayo Ciara dun din ang punta ko!" si steffan ang nagsalita.
"pero may pasok ka pa kuya" sagot nito sa pinsan nito
"doon na ako mag-aaral" seryosong turan nito napakunot noo naman siya
"bakit biglaan ata?"
"basta sege na bilisan mo na"-steffan
"dun na ako kakain halika na, late na ako!" sabi ng dalaga dito. nagkibit balikat nalang ito. ng makarating na sila sa school ay nauna ng pumasok si Ciara.
maaga pa lang ay nakaabang na ang lahat sa pagpasok nito at halos excited ang mga kaibigan nito, higit lalo ang tatlong bruha.
"humanda ka Ciara De Guzman, Enjoy with your muddy kwek kwek duckling fashion this day!" mariing pagkakasabi nito at sinabayan pa ng malutong na tawa, napailing iling nalang ang dalawa pa nitong kasama.
"goodluck Mia hope you like it" naisatinig ni rhea
"excited na ako sa maaring maganap, let us see what will happened" sabi naman ni andrew
"yeah right, i think they will slap us if they know" sabi naman ni george.
"o' andiyan na pala si ciara, tara na at mai welcome naman natin bagay sa kanya ang surpresa." sabi naman andrea na halata ang excitement.
pag pasok ni ciara ay ang sabay sabay na paghila nina mia at amanda sa mga taling nakatali sa bawat timba, ganun nalang ang gulat ng dalaga, para siyang bagong kasal sa mga nagliliparang papel na magkahalong kulay,habang sina mia naman ay gulat na gulat sa mga nangyari, halos di na sila makilala sa magkahalong pinturang natapon sa mga ito, nagmistula silang basang sisiw na kinulayan ng kung ano-ano kung baga sa cake naman ay nilagyan ng iba't ibang palamuti.
habang si si ciara naman ay nagulat ng bumungad sina ia sa kaniya.
"welcome back ciara!" sabay sabay na turan ng mga ito, at ng lingunin sina mia ay ang sabay sabay na pagsabi nila ng katagang_
"welcome to the muddy fashion girls!" sabay tawa ng mga ito at talagang nakahawak pa sa kanikanilang mga tiyan.
"hey girl, your looks like a cake with matching icing on top (pumalakpak) beautiful" sabi ni andrea
hey are you okay? (tanong ni andrew at pinipilit na huwag matawa sabay kunyaring tapik nito sa likod ni mia at may dinikit na kung anong nakasulat sa likod nito)"
inis na inis na ualis sina mia at nakatingin lang kay ciara.
"grabeh talaga kayo, tara na nga at late na tayo" nagpatiuna na itong maglakd.
after ng dalawang oras ay tumunog ang bell
kringggg..............kringgg.............
recess time, hindi na bumaba si ciara para pumunta ng canteen dahil dinalhan na ito ng pinsan niya ng makakain.
"dito ka lang at binilhan na kita makakain mo." sabay abot ng nasa box dito.
"wow fave ko to ahh," tuwang sambit ni ciara
habang sina andrew ay nsa canteen kinausap nito si rhea upang ito naman ang humingi ng tulong.
"rhea!" tawag niya sa dalaga upang makuha ang attention nito
nakakunot ang noo nitong napatingin sa kanya
"bakit andrew? anong atin?" tanong niya
"tulungan mo ako!"_andrew
"[kumunot noo ] for?"
"ahmp for dens and ciara" gulat ang reaksiyon ni rhea
"wag ka ngang OA tulungan mo akong mapatunayan kung inlove na nga si best dens kay ciara" seryosong sagot nito
"bakit naman?"_rhea
"ayaw kasing umamin ehh"
" ganun ba? hmmm anong plano mo?" tanong ni rhea
" simple lang pagpanggapin natin ang kapatid mong si george na kunwariy nanliligaw kay ciara,at alam kong ikaw lang ang makakapagpapayag dun" walang kagatol gatol na sabi nito
"ehh torpe yun ehh!"_rhea
"kaya nga kunway manliligaw nga siya diba? cge na naman ohh " sabay pacute nito
"tumigil ka nga sa pagpapacute mo diyan o' siya cge pumapayag ako."-rhea
"talaga? cge hah, at meron muna akong aasarin sa ngayon kita pala tayo maya kung okay lang,, baby rey," sabay kindat nito at tumalikod na
"aba't kapal mo baby babyhin mo yang mukha mo" sigaw nito
"love you baby rey" balik sigaw nito
"aba ang kapal talaga ni di nga nanligaw ehh may pa baby baby pang nalalaman. haixt asar! kung dilang kita gusto ehh, hinataw na kita" sabi ng isip niya.
samantala hindi pumasok si dennis dahil masakit ang ulo nito, naghang over kasi, akmang pupunta na ito sa kusina ng may marinig itong kalampag sa kanyang kusina agad niya iyong tiningnan si andrew.
"ohh gising ka na pala, dito ako kakain ahh, nagluto kasi akong food ehh pano walang laman ang ref ng condo ko kaya yun dito ko naisip pumunta" turan nito habang busy sa kanyang ginagawa.
"at kelan ka pa naubusan ng pagkain? ang alam ko lang namn ayaw na ayw mong nawawalan ng laman yung ref. mo!" angil nito na hinilot ang sentido.
"tss, bahala ka basta ako dito ako kakain, siya nga pala alam mo bang pumasok na si ciara" walang ano ano'y banggit nito na parang wala lang pero pasimplng tiningnan ang may hang over na si dennis.
"t-talaga!" agad na sagot nito natuwa naman si andrew sa reaksyon nito dahil bigla itong sumigla ng marinig ang balita tungkol kay ciara.
"Oo kaya lang---" sinadyang wag ituloy ang sasabihin at tinitningnan ang magiging reaksyon ng kaharap
"kaya lang ano hah?" - dennis
"kaya lang kasama niya si steffan at ala mo bang pinupormahan na pala siya ni george?" walang ano ano'y sabi niya rito na parang wala lang.
"s-sino kMO? si george?"
"Oo siya nga ang sweet nga niya ehh hehehe"-- andrew
pagkasabi nun ni andrew ay agad niyang napansin nawala ang ngiti sa mukha ni dennis at naging seryoso na naman ito, biglang dumilim ang mukha
"diyan ka na nga nawalan na akong ganang kumain."
"bakit kasi ayaw pa aminin ehh tuloy may ibang pumuporma."--pangsusupo nito kay dennis
"pssssh paki ko naman kung meron man"
"hindika nagseselos?" tanong nito
"hindi nuh,! bakit naman akomagseselos dun eh buhay nya yun."
" Oo nga naman, pero alam ko may lakad ata sila ngayon ehh sapark ata, dun sa pinagdalhan mo sa kanya dati"- andrew
"hah? sila lang dalawa? walang kasama na iba? bakit ngayon mo lang sinabi pano kung may gawing masama ang george na yun dun? haixt pasaway d'yan ka na nga at aalis muna ako"__dennis
"bilisan mo lang baka sagutin niya yun at mawalan ka hahaha"---andrew
"success! mapapaamin din kitang mokong ka"---andrew
"ano yun?"--dennis
"wala sabi ko bilisan mo diyan gutom na ako at baka maunahan ka na talaga !!"----andrew
[Note: lamat sa mga nagbasa ---jansis]
ITUTULOY . . . . .
Admin Note... pasensya na sa lahat ng nag-aabang ng kwentong 'to, na-busy po ako... kahit sa sariling wattpad ko ay 'di ako nakapag-update na.
![](https://img.wattpad.com/cover/81816049-288-k387883.jpg)