nasa kahabaan ng byahe si mike at papunta na ito sa airport,, pero ang isip nya ay nasa kapatid na si Katherine Villarde,, paano nga ba niya ito makakausap? paano nga ba niya ito haharapin ng maayos? paano niya haharapin ang mga pinsan niya ng hindi makakagawa ng gulo.? Galit siya sa mga pinsan nito dahil sa ginawang pagtago sa nag-iisa nitong kapatid. pero paano kung may dahilan ang mga ito? paano kung para sa ikabubuti lang pala ng kapatid ang iniisip ng mga ito? sa ganoon siyang pag-iisip ng bigla na namn masagi sa isipan niya ang kanyang mga magulang. iniisip niya kung sa anong paraan niya masasabi sa mga ito ang kalagayan ng kapatid, hindi din niya masabi sa mga ito na natagpuan na niya ito at halos nag-aagaw buhay na.
"huh...." napabuntong hininga siya sa kanyang mga iniisip, wala na siyang ibang maisip bukod sa kausapin ang kanyang mga pinsan tungkol sa kanyang natuklasan at kung papaano nilang masabi sa kanilang mga magulang na may karamdaman ang kapatid.
'hindi ko alam kong ano ang magiging reactions ng parents natin Kate, but i will make it damn sure, na di ko hahayaang mawala ka, we can find a perfect donor for you and i will never give up until i found it. mailigtas ka lamang kate' bulong ng isip ng binata, mahal na mahal niya ang kapatid at kahit anong pwedeng maging paraan basta ba't para sa kaligtasan ng kapatid ay gagawin niya.
muli ay napabuntong hininga na naman siya.ringggg
ringggg
ringggg
isang tawag ang pumukaw sa isipan ng binata. huli na para mapansing napahinto pala siya sa pag mamaneho, ng abutin niya ang phone at mapagsino kung sino ang tumatawag ay agad siyang nataranta.
"ohh gadamn shit! i'm late" muli ay tumunog ang kanyang phone at sinagot ang tawag ni george.
" Sir Mike,, saan na po kayo? kanina pa po dapat kayo nandito, boarding na po pero wala pa po kayo baka maiwanan na po tayo." turan ng nasa kabilang linyang si George
"ahmp i'm coming,,malapit na ako don't worry" agad naman nitong sagot.
"ok sir! tawagan nalang po ninyo ako kapag nandiyan na kayo para masabihan ko ang iba pa nating mga kasama, mag-iingat po kayo"
"ok thank you george!" pasasalamat nito sa kausap at ng matapos mag-usap ay pinaharurot na nito ang sasakyan.
########################################
"steffan, pwede ba tayong mag-usap?" tanong ni dennis kay steffan, kunot noo naman si steffan sa pagharap nito sa kausap niya.
"tungkol saan?" tanong naman ni steffan.
"tungkol kay miss__miss Ka- Katherine Villarde" putol putol na sambit ni dennis, bigla namang kumunot ang noo ni steffan sa tanong ni dennis dahilan upang bitawan niya ang pagkakahawak nito sa kanyang cellphone at sabay lagay sa bulsa.
"how do you know her?" with full of curiousity he ask back to dennis
"ahmmp nothing!" sambit ni dennis
"do you think maniniwala akong wala lang? anong alam mo kay Kate? why did you suddenly asking me about her? who told you about her?? "sunod sunod na mga tanong na binitawan ni steffan kay dennis
"relax,," awat ni dennis sa tanong ng kaharap napansin niya kasing parang biglang uminit ang ulo nito ng magbanggit sa pangalang kate.
"i'm just curious, because Dr. Muir call Ciara as miss villarde a while back, so that i-i am asking you if you know her!" pagpapaliwang naman ni dennis nakita niya naman na parang naging panatag na ulit ito.
"just don't bother yourself bout this matter! this is not the right time to discuss, if you'll excuse me, i gotta go! pakitingnan mo muna si Ciara may pupuntahan lang ako" saka tumalikod na ito