Hindi na mawari ni Ciara ang nararamdaman dahil bukod sa pamilipit nito sa sakit ng kaliwang dib dib ay sumabay pa na halos di siya makahinga. akmang dadamputin na niya ang kanyang cellphone na nakapatong sa study table nito pero sa pagkadismaya niya ay nahulog ang lamp shade na katabi ng kanyang cellphone, patuloy pa rin siya sa pamimilipit na piling ba niya kalaunan ay maaari na siyang mamatay.napaluhod si Ciara sa sakit na nararamdamn nito. at ng akma na itong tatayong muli ay ang sabay na pagbaksak niya at ang upuang hinawakan niya upang paghugutan ng lakas para makuha ang gamot nito sa drawer niya.
"h-heelp ahhhh , kuya st-tef-fan kuya eu----ahhhhhhh please help me"
'ito na ba ang katapusan ko Diyos ko, tulungan niyo poako di kona po kaya, tatanggapin ko nalang ang katapusan ko'
mga salita sa isip isip ng dalaga, alam niyang wala ang mga pinsan nito at walang makakarinig sa kanya dahil wala pa ang mga ito at isa pa ay dahil sa laki ng bahay ay tiyak na walang talagang makakarinig liban nalang kung may nakapasok sa loob ng bahay nila.
samantala kanina pa nag-aabang sa dalaga si Dennis sa labas ng bahay nito,,, kita niya ang liwanag sa kwarto ng dalaga at kita niya ding nakaupo ito sa alapit sa may bintana habang nagbabasa. mataan niya iyong pinagmasdan.
takot siyang aminin sa sarili niya na mahal na niya ang dalaga na siya namang kahinaan nito. kahit anong pilit nitong kalimutan ang dalaga ay talagang hindi nito magawa. mahal na niya ito bagay na hindi niya matanggap dahil sa naisip niyang paghihiganti para sa babaeng una nitong minahal.
ng di na makatiis ay magdodoor bell na sana ito perong makitang niyang nakabukas ang pinto ay pumasok nalang ito. alam kasi nito na wala nman ang mga kaptid ni Ciara,,yun kasi ang alam niya na kapatid ni Ciara si Eugene. ng makapasok na itoay may narinig siyang isang kalampag sa kwarto kung saan nandoon ang dalaga,,agad siyang pumunta kung saan nanggaling ang ingay na kanyang narinig.
papalapit na siya sa kwartokung nasaan ang dalaga ng makarinig siya ng sigaw
"h-heelp ahhhh..." dinig niya na sigaw ni Ciara alam niya sa boses na iyon ng dalaga na parang namimilipit iyon,,sa narinig ay ganun nalang ang takot at pangamba nito . tinakbo niya ang lugar kung saan narinig niya ulit na sumigaw ang dalaga.
"Ciara! Ciara" sigaw ni Dennis di niya malaman ang gagawin , natataranta na ito, wala siyang ibang nasa isip kundi ang kapakanan ng dalga.
"Ciara saan ka?" sigaw ni dennis pero wala na itong narinig na boses mula sa dalaga ng pasukin niya ang room ng dalaga ay ganun nalang ang takot na kanyang dama dahil nakita nito ang dalaga na nakahiga sa sahig at wala ng malay.
"C-Ciaraaa! ciara, ciara gumising ka" tinapik tapik nito ang pisngi ng dalaga, pinulsuhan at ng halos diniya maramdaman ang paghinga ng dalaga ay agad niya itong binuhat palabas,, dali dali siyang pumanaog sa hagdan,, di na niya ininda ang pagod at ang bigat ng kanyang karga basta para sa kanya ay ang kaligtasan ng babaeng kanyang minamahal,
"mkakaligtas ka ciara huwag mo akong iiwan,, di ko hahayaang mawala ka sa akin, di ako makakapayag na muling maiwanan at mawalan ng taong minamahal."
iniupo niya ang dalga sa kanyang sasakyan at dalidaling inistart ang makina nito,, takot at pangamba ang makikita mo mula sa mukha ng binta kaya ng maiistart nito ang makina ng sasakyan ay pinaharorot na niya ito ng takbo,, wala pang isang oras ayy narating na nila ang hospital,, Sa St. Lukes niya ito dinala,, tulad ng dati ay inasikaso agad ito ni Dr. Muir .....
"salamat sa pagdala mo kay miss Villarde dito mr.--"
"Dennis Ruiz, Dennis Ruiz ang siyang pangalan ko, pero bakit niyo po siya tinawag na Miss Villarde?" takang pagtatanong nito. ligid kasi sa kaalaman nito ang tunay na pagkatao ng dalaga.
natigilan si Doctor Muir alam kasi nito na Ciara ang pangalang ginagamit ng dalaga.
"Ah-hhh so-sorry nagkamali ako, Ciara pala,, malala na ang karamdaman ng dalaga meron kasi itong sakit sa puso, at habang tumatagal ay lalo namang lumalaki ang butas ng kanyang puso. Mr. Ruiz kailangan na nating maisagawa ang transplant pero magpahanggang sa ngayon ay wala parin kaming mahanap na perfect much para sa kanya. maari mo bang makuntak ang mga kapatid nito? babalikan ko muna ang pasyente."
gulat na gulat si dennis sa kanyang mga narinig di niya alam kung ano ang gagawin niya sapagkat di niya alam ang mga nangyayari bakas parin sa kanyang mukha ang pagkabigla. bagamat hindi pa siya lubusang nakakabawi sa kabiglaan ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili at tinwagan si Rhea. manghihingi ksi ito ng number ng kamag anak ni Ciara. agad namang binigay ni rhea ang hinihingi ni dennis at saka kinuntak nito ang numberna binigay nito.
"hello! sino to?" tanong ng nsa kabilang linya.
"hello ito ba ang kamag-anak ni Ciara andito kasi kmi sa St. Luke's hospital kasi isinugod ko na dito siCiara"
sabi ni dennis dahil halos di narin siya mapalagay ay pumunta ito sa labas ng OR di niya alam ang gingawa niya, di na niya alam kung ano ang gagawin.maya-maya pa ay dumating na sina steffan at eugene,, nadako naman ang mga mata ng dalawa ng huli sa may lalaking nakatayo sa labas ngg OR
"bakit ka nandito?" tanong ni steffan
"ako kasi nagdala kay Ciara dito steffan, huwag kang mag-alala nagmamalasakit lang akosa kanya,,at- at di ko siya aagwin sa iyo"
"please don't dare to touch her again." sabi ni steffan"at siya ng pala hindiko siya totoong girlfriend pi- kapatid niya ako,, magkapatid kami" saka tumalikod na iyon
" please ipaubaya niyo sa akin,, mahal ko siya , mahal ko si Ciara at ipagtatapat ko na lahat sa kanya salamat"
ITUTULOY . . . . . .
