childlish
Cassandra
Maganda ang umaga niya ng araw na iyon dahil friday narin sa wakas. Hindi siya makapag intay na humilata at manood ng movie mamaya, nakaugalian na niya iyong gawin lalo na kapag walang pasok kinabukasan.Bago pa man siya abutan ng bell ay naka-upo na siya sa kanyang pwesto.
"Aba mukhang maganda gising mo ngayon Cass. ah?" nginitian niya lamang ang kaklaseng si Monique bago mag salita.
"Hindi naman."
"Umamin ka nga. Kayo na ni CK no?" gusto niyang matawa sa sinabi nito.
Halos kasi lahat ng kaklase niya iyon ang iniisip sa kanilang dalawa. pero wala naman talagang namamagitan sa kanila ni Kase kundi pag kakaibigan lang.
"Kelan niyo bako titigilan sa kakatanong niyan? Monique, walang kami at hindi magiging kami tapos."
Umupo ito sa tabing silya bago mag patuloy. bahagya nitong hininaan ang boses para hindi sila marinig ng kanilang prof. "bakit naman? tsaka di hamak namang mas maganda ka at mas presentable sa mga babaeng kasama lagi ni CK,"
Sa tagal nilang mag kaibigang dalawa hindi iyon pumasok sa isip niya o ni-siya na mag kagusto rito. Hindi kasi siya na aattract sa mga babaero. "Choice na niya yun- teka nga! May gusto kaba sa bestfriend ko?!"
Bahagya pa itong tumawa na akala mo biro ang kanyang sinabi. "Bulag kaba o tibo? Yung totoo? sinong hindi mag kakagusto kay Charle?! maswerte ka nga't naging ka-close mo siya e, kung ako sayo Cass nako..."
"Pati ba naman ikaw?" hindi makapaniwala niyang sabi.
"Wag ka ngang OA jan, normal lang ang maattract sa mga gwapo no. di naman ako tulad ng iba na parang ngayon lang naka kita ng tao kung mag lupasay sa kaibigan mo. nag tataka nga ako sayo, pano mo nagagawang baliwalain yung isang yun e,"
Natatawa niyang tinignan ito. bago niya nilabas ng kwaderno "na-gagwapuhan kayo doon? what more kung makita mo pa si Gino, matured na may itchura pa! Si Kase? isip bata yun."
"Gino? As in Gino Bautista?"
"Bautista? ewan ko. diko alam apelyido niya."
Nag iwas na lamang ito ng tingin sa kanya. Kahit hindi ito masyadong kumbinsido sa kanyang sinabi. hindi niya naman talaga alam kung anong apelyido ni Gino, sa dami ng Gino sa mundo malay niya bang siya talaga yun diba? ang alam niya lang e mag kaklase raw sila, isa pa hindi niya sigurado kung nag sasabi ba ito ng totoo. Hindi niya rin ugaling mag tiwala sa taong kakakilala lang niya. Mas matanda siya ng dalawang taon sakin ibig sabihin, mas ahead siya saming dalawa ni Kase. duon palang mag tataka kana. pano sila naging mag kaklase? Diba?
Breaktime na nila kaya't bumaba silang dalawa ni Monique para kumain sa canteen, tila parang nawalan siya ng gana nang mahagip ng kanyang mata ang kumpulan ng mga tao doon. Hindi na niya pinakinggan ang kinukwento ni Monique at parang napako ang kanyang mata roon. Kita ng kanyang mata ang apat na lalaking nakita niya sa Club kahapon. pero wala doon si Gino.
"..iyon nga nakakainis talaga pero- huy! Cassandra? nakikinig kaba?"
Hindi niya ito pinansin at maanam niya lang tinitignan sa malayo ang nag kakasiyahang grupo na iyon, Kaya pala hindi niya nakita ito at busy ito sa bagong barkadang kasama.
"Hello, may kausap paba ko dito? sino ba yang tinitignan mo jan?... Ah sasabihin ko nga dapat sayo yan Cass. mukha kasing napapadalas pag sama ni CK jan sa grupong yan, napapansin ko lang kaya wag kang ano."
"Gano na katagal?"
Sumandal ito sa pader at binalik ang tingin doon. "matagal na rin.. two months? not really sure, baka nga matagal pa. kita mo naman sobrang close na nila,"
BINABASA MO ANG
His Exception (Ongoing)
General FictionCharle Kase was a typical teenager just like everyone else. babaero, gimikero at sunod lagi sa uso. pero di tulad ng iba mas nakaka-angat siya kumpara sa karamihan lalo na sa estado ng buhay at sa itchura. He didn't knew what's merrier for him, his...