Lumubog man ang ship wag lang ang friendship.
Natatandaan mo pa ba yun pangakong walang iwanan? Kahit anong mangyari nandito lang ako para sayo, kaibigan.
Naranasan mo na ba magkaroon ng bestfriend? Kung oo. Ako din.
Mahal ko ang kaibigan kong si Zero. He's my bestfriend. Lagi siyang nandiyan para sakin at kahit kailan hindi niya ako iniwan. Sa hirap at problema lagi niya akong dinadamayan. Pag wala akong pera walang baon nandyan siya at binigyan ako. Nung hindi ako makasagot sa klase dahil hindi ako nag aral, nandyan siya at tinuruan ako. Noong panahon na may problema ako sa pamilya ko dinamayan niya ako, nakinig siya. Napaka bait ng bestfriend ko.
Marami akong kaibigan pero iba pa din siya. Siya yun klase ng tao na nandyan lang lagi, na hindi ako iniwan sa oras na higit kong kailangan ng karamay.
Heartbreak ia worst than dying.
Naalala ko pa noon kung gaano ako kasaya kasama ka. Yung mga araw na wala tayong pakialam kahit na mapagalitan man sa mga kalokohan, damayan ang isa't isa pag nasasaktan. Ganon naman talaga ang kabataan dapat ine-enjoy lang kasi nga.
You don't age with time. You age because of your experiences. The quality of experiences to be exact.
Lumipas ang panahon. Nasa kolehiyo na tayo. Parang kailan lang no? Ang bilis lang pala.
Isang araw lumapit siya sa akin. Bago kami magtapos. Bago namin matupad ang pangarap ng bawat estudyante, ang dasal ng bawat magulang na makita ang kanilang nga anak na umakyat ng entablado at kunin ang karangalan na binilang ng taon na dugo't pawis ang puhunan.
"Euphy may gusto sana akong ipagtapat sayo" sabi ni Zero.
"Ano yun best?" Sabi ko ng naka ngiti sa kanya. Mukha siyang constipated na ewan. Pero kahit ganon napaka gwapo pa din niya. Matangkad siya at matangos ang ilong ang pinaka gusto ko sa lahat ang mga mata niya na parang laging nangungusap. Kung ibang babae lang ako malamang nagkagusto nako sa kanya. Pero parang kapatid ko na si Zero. Hindi ako mabubuhay ng wala siya. Para sakin siya na lahat. Hindi ko na kailangan ng ibang kaibigan kuntento nako sa brother/bestfriend ko forever! At si Zero yun.

BINABASA MO ANG
Turn On Me
Short StoryFor those people who keeps on hoping. Live with the moment while it last. The most painful feeling in this world than being HURT is REGRETS. This is for you.