"Hanggang kelan? Hanggang kelan ako mag aantay para sa kanya?" Simula ko.
"Hindi mo siya kailangan antayin. My god Euphemia Mariae!"
"Ilan taon pa ba? Ilan taon pa ba ang kailangan kong intayin para malaman ko ang sagot niya?" Sabi ko habang nagbabara na ang sakit saking lalamunan.
"See? Tingnan mo nga! Try to look at yourself! Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan? Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Bakit mo kinukulong ang sarili mo sa nakaraan na lagi ka lang nasasaktan?!" Nag burst out na siya. At nakaainis na hindi niya ako naiintindihan! Wala siyang alam sa nararamdaman ko dahil hindi siya ang nakakaramdam!
"Palibhasa hindi ikaw ang iniwan! Hindi ikaw ang nasaktan! Bakit ba hindi mo maintindihan yun? Hindi mo ala ang nararamdaman ko!" Sigaw ko. Masyado na talaga akong sensitive dahil dito. Eto ang dahilan kung bakit ayoko tong pag usapan. Kaya tinatago ko to sa puso ko. Sa mahabang panahon. Natahimik siya at lumambot ang aura. Tiningnan nya ako gamit ang pagod niyang mga mata.
"Siguro nga hindi ko alam. Hindi ako ang nasa lugar mo. Pero ikaw lang ba ang nasaktan? Ikaw lang ba ang nahirapan? Kung tutuosin ang babaw lang ng problema mo. Tanggapin mo lang na wala na siya. At mabuhay ka at magsimula." Sabi niya sa malumanay na tinig. Kahit nagkakatampuhan kami sa huli nagkakapatawaran din. Siya na ang bestfriend ko.
"Best ang hirap. Hanggang ngayon hindi ko pa din mapatawad ang sarili ko. Pakiramdam ko kulang ako. Di ako makukompleto hanggat hindi ko siya nakakausap." Iyak ko sa kanya.
"Mahal kita best. Babae din ako. Alam ko ang nararamdaman mo." Sabi nya at lumapit sakin.
"Panahon na para mahalin mo ang sarili mo. Wag mo ng parusahan ang sarili mo tama na best. Palayain mo na siya. Kasi hindi na siya babalik pa. Wag ka ng umasa. Dahil kung mahal ka niya talaga umpisa pa lang hindi ka na niya iniwan." Punas nya sa mga luha ko at niyakap ako.
"Mahal ko kasi siya best. Mahal na mahal ko kasi siya kaya hindi ko siya mapakawalan sa puso ko. Pano ko siya kakalimutan? Yun bestfriend ko yun taong mahal ko. Iniwan na niya ako bago ko pa masabing mahal ko siya. Wala na siya bago ko pa marealize na mahal ko din pala siya."
"Hindi ko man siya kilala. Hindi ko man alam ang pangalan niya pero alam ko napaka swerte niya dahil meron siyang IKAW." Sabi ni Angel.
"SALAMAT BEST! THE BEST KA TALAGA"
Ang swerte ko dahil binigyan pa ako ng Diyos ng taong katulad ni Angel. Angel talaga siya ng buhay ko. Bestfriend.

BINABASA MO ANG
Turn On Me
Cerita PendekFor those people who keeps on hoping. Live with the moment while it last. The most painful feeling in this world than being HURT is REGRETS. This is for you.