Gone

1 0 0
                                    

Pagkatapos noon hindi ko na siya nakita. Hindi na siya sumasagot sa text at tawag ko. Kahit sa chat wala na. Hindi na siya nagparamdam.

Inisip ko na baka sobrang busy lang niya. Ayos lang sakin.

Pero lumipas ang mga araw at dumating na ang graduation. Hindi siya nagpakita. Hindi siya umattend. Wala ang bestfriend ko.

Pumunta ako sa bahay nila. Pinuntahan ko siya pero wala ng tao sa kanila. Sarado ang bahay. Nasan ka Zero?

Napaupo nako sa harap ng bahay nila at di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Wala na ang bestfriend ko. Wala na yun taong nandiyan para sakin. Iniwan na niya ako.

Even if you know what's coming. You're never prepare for how it feels.

Nakaramdam ako ng pangungulila. I miss him so much. Kamusta na kaya siya? Naalala pa kaya niya ako? Napangiti na lang ako ng mapait at di namalayang tumutulo na pala ang aking luha. Umiiyak na naman pala ako.

"Best. Nasan ka na? Bakit mo ako iniwan?"

Nakatanaw lang ako sa bintana habang pinapanood ang pag buhos ng ulan.

I see you beside me it's only a dream..
(Only reminds me of you - MYMP)

[Cellphone ringing]

Nag ring ang cp ko. Nag flash ang pangalan niya sa screen.

Best Zero calling..

Nagmadali ko itong sagutin. Ngunit pinatay na niya bago ko pa mapindot. Sinubukan ko itong tawagan at nag ring. Ring lang ng ring ng biglang pinatay niya. He rejected the call. After that cannot be reach na.

Lagi kong tinitext yun number nya pero kahit blank message wala na akong matanggap.

Ang sakit sakit. May nagawa ba akong mali? Hindi ko alam. Bakit bigla siyang nanlamig? Bakit bigla siyang nawala? Bakit niya ako iniwan?!

Daig ko pa ang heart broken kahit never pa ako nagka boyfriend. Para akong pinapatay sa bawat araw na wala siya. Parang gumuho ang mundo ko sa bigla niyang pagkawala. Nawala na yun kalahati ng puso ko. Nawalan ako ng kaibigan at kapatid. Hindi ko mapigilan makaramdam ng galit sa kanya. Pero lagi akong sinasampal ng katotohanan na mahal ko siya. Mahal na mahal ko yun bestfriend ko.

Bakit Zero!?

Akala ko nagbibiro lang siya nung sinabi niya ang nararamdaman niya. Akala ko nagbibiro lang dahil bestfriend ko siya. Akala ko joke lang. Akala ko lang pala.

Yun pala.

Totoo na.

Turn On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon