"Mahal kita. Mahal kita noon pa" sabi niya habang nakatitig sa aking mga mata. Puno ng pagsusumamo ang mga ito sakin.
"Alam ko yun Zero! Best naman! Ako din mahal kita." Sabi ko sa kanya. Madami ang nag aakala na kami ni Zero dahil sa sobrang close namin. Para kaming more than friends less than lovers. Pero walang bahid ng malisya ang lahat para sakin. Mahal ko si Zero ang bestfriend ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at nilagay sa kanyang dibdib.
"Euphy mahal kita. Mahal na mahal kita noon pa. Higit pa sa isang kaibigan" sabi niya sakin na parang naiiyak na. Binawi ko ang mga kamay ko at pinalo siya sabay tawa.
"Loko ka best! Tigilan mo ako ah! Di magandang biro yan" sabi ko sa kanya. Kinabahan ako bigla dahil hindi manlang nagbago ang ekspresyon nya. Nanatili itong seryoso habang nakatitig sa aking mga mata. Ngumiti lang siya at napailing.
"Sabi ko na nga ba! Pinag ti-tripan mo lang ako." Sabi ko sabay yakap sa braso nya at ngumuso ako ng nagpapaawa. At hinilig ang aking ulo sa balikat niya
"Kahit kailan hindi kita pinag-tripan. Totoo lahat. Akala mo lang" sabi niya ng di nakatingin sakin. Dumagundong ang dibdib ko. Para akong sinuntok sa sikmura nung sinabi niya yun.
"Best. Wag mong gawin biro yun please. Alam mo naman bestfriend kita" then i move forward try to kiss him on the cheek. Pero humarap siya bigla.
We kiss!
"I love you Euphy, this would be the last."
Oo nga pala. Dalaga't binata na kami.

BINABASA MO ANG
Turn On Me
Short StoryFor those people who keeps on hoping. Live with the moment while it last. The most painful feeling in this world than being HURT is REGRETS. This is for you.