Bestfriends

0 0 0
                                    

Nag ready nako para sa pagpunta sa Solar mamaya. Ito ang bar kung saan nagkakilala si Angel at ang guy of her life kaya doon niya ito balak sagutin.

I wear red above the knee body fitted dress and black pumps. Naglagay din ako ng usual make up. Face cream, Powder, Eyebrow and matte lip cream nude color and blush on. Masyado ng matapang ang mukha ko kaya light make up lang ayos na. Gusto ko lang matabunan ang mga mata ko dahil sa pag iyak ko kagabi.

7pm ang start. Sure naman ako na maraming elite friends na nandon. Sikat kasi ang Solar. Boys and Girls mga party animal. Once a month lang ako kung mag bar. At lagi kong kasama si Angel sa pagbabar hopping.

Nilock kong mabuti ang bahay at sumakay na sa kotse ko. 5pm na sakto lang to kahit matraffic.

I open my radio para di masyadong boring ang byahe it relax me when i'm listening to the music.

Do you remember how it felt like..

Shit!

"Seriously? Time Machine ng Six Part Invention"

Lumala na ang pagiging bitter ko. Lagi na lang pag love song specially sad song relate na relate ako. Daig ko pa na heart broken dahil may boyfriend. Ako naman heart broken dahil sa bestfriend ng ilang taon?

Nag eemowt na naman ako. Don't cry Euphy masisira ang make up. Gusto kong maging masaya para sa bestfriend ko. Araw nya ngayon. Dapat hindi ko siya palungkotin dahil sa kagagahan ko. Dapat ako naman ang sumuporta kay Angel dahil lagi siyang nandyan para sakin.

Smile

Nakarating ako sa ground floor ng Solar. I park my car sa bungad para di ako mahirapan pag uwi mamaya. But a familiar image doomed me.

The man waiting for the elevator to open. He seems familiar. Nakatalikod ito habang nag feflex ang muscles sa braso dahil may kausap sa phone. He's tall and his massive back shouts hotness. Sure ako gwapo to. Kahit na simple black shirt and faded jeans ang suot nito.

Drool!

Nagmadali ako para maabutan siya. At nalaglag ang susi ng kotse ko sa ilalim. Jeez!

Inabot ko ito at nilagay sa purse ko. Sakto naman nag ring ang cellphone ko.

Angel calling..

"Hello?"

"Best! San ka na?" Sigaw nya. Dinig na dinig ko ang ingay sa loob ng Solar.

"Nandito na ako sa ground floor paakyat na" sabi ko sabay tingin sa lalaki sa elevetor ngumit naka sakay na ito at pasara na ang elevator.

"Hello best!"

"Ou! Ou! Papunta na. Sige na bye na" sabay putol ko sa tawag.

Imposible naman na siya yun.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nandito siya. Kinakabahan ako.

Inantay ko ang pag bukas ng elevator at umakyat na sa rooftop. Nandoon ang Solar. Napaka ganda ng city lights sa gabi.

Napaka lakas na ingay ang bumungad sakin. Napaka dilim ng paligid at tanging dancing lights lang ang liwanag. Nahanap ko agad ang bestfriend ko.

Napaka daming tao na nagsasayaw at nag iinom. May mga lalaki din na kung makatitig wagas. Sanay nako na pinagtitinginan kaya di nako nailang.

"Best!" Sigaw nya at tuwang tuwa ng makita ako.

"Relax!" Sabi ko

"Omg! Kanina pa kita inaantay" sabi ni Angel

"Okay? Where's your boyfriend?" Sabi ko

"Ow! Parating na siya sabi niya kanina nasa gr--" sigaw niya.

Hindi ko na naintindihan yun sinabi niya sa sobrang lakas ng music. Kaya umoo nalang ako. Ilang sandali lang.

Biglang namatay ang music at lights dumilim ang buong paligid. Natahimik ang mga tao.

Heart beat fast
Colors and promises
How to be brave
How can i love when i'm afraid to fall
And watch you stand alone..

Tumutok ang spotlight sakin at sa palagay ko sakin naka tingin ang lahat pero nawala ako sa wisyo ng tumili ang katabi ko.

Si Angel.

The hardest thing in life is to watch the one you love, love someone else.

Halos panawan ako ng diwa ng dumating ang lalaking mahal ng bestfriend ko. Magkahalong saya at gulat ang naramdaman ko noong lumapit siya sa amin.

Kitang kita ko ang saya sa mga mata ni Angel.

Kitang kita ko kung paano niya titigan ang bestfriend ko na punong puno ng emosyon at pagmamahal na dati sakin niya nakikita.

The worst is when you are inlove with somebody who used to love you

Parang nag flat line na yung hininga ko ng magyakap sila. Nagtama ang aming mga mata ng lalaking matagal ko ng hinihintay.

Zero

Ngumiti na lang ako at tinago ang mapait na pakiramdam. Nag iinit na ang aking mga mata at nagbara ang aking lalamunan. Pinipigilan ko ang sarili ko na umiyak. Pero ang pilit kumawala ang isang butil ng luha sa aking mga mata. Taksil talaga ang sarili ko.

Sa titig na iyon nangungusap ang mga mata namin. Pakiramdam ko nagkaintindihan na kami.

Although we never said it to each other. I think we both knew.

The End.

Turn On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon