Misery

0 0 0
                                    

Ilang taon na ang lumipas na aalala pa din kita. Ilang taon na ang nagdaan sariwa pa din sakin ang mga alaala. Sana noon pa lang sinabi ko na na mahalaga ka. Sana noon pa lang nagpasalamat na ako dahil nandyan ka. Pero bigla mo na lang akong iniwan. Iniwan ng walang paalam. Umalis ng walang dahilan.

"Tama na best! Iniisip mo na naman si the one who got away mo. Ilan taon na? Bulok na yan dyan! Move on!"

Ngumiti lang ako sa bestfriend ko. Si Angel. Nakilala ko siya sa office kung saan ako nagtatrabaho. Napaka bait ni Angel at maganda pa. Maputi siya at tsinita. Mahal ko ang bago kong bestfriend.

5 years ago. Siya na ang pumalit sa lalaking yun. Kapatid na ang turing ko sa kanya. At ganun din siya sakin. Naiintindihan niya ang kadramahan ko. Naging heart broken din siya noon. Pero pananaw niya may umaalis may darating.

Nandito kami ngayon sa bahay ko. Isang house and lot sa Bulacan. Ako lang mag isa dito dahil ang parents ko nasa Laguna. May bahay din kami doon. Si Angel ang kasama ko dito lagi dahil naboboring siya sa condo niya sa Makati. Kaya dumadayo pa siya dito sakin para lang makitambay. At as usual walang uwian. Stay siya dito ng 3days. Minsan sabay pa kaming papasok. We have a car so hindi problema ang transpo except sa traffic na may forever.

"Best ang ganda ganda mo. Ang dami mong manliligaw pero rejected lahat. Napaka haba ng hair mo! Mas mahaba sa traffic sa edsa!

"Anong gagawin ko sa suitors? Wala pa akong balak. Di pa ako ready" sabi ko kay Angel.

"Loka! Ilang taon pa ba ang kailangan para maging ready ka? Aba jusko! Mag 25 ka na wala ka pang naging boyfriend!" Talak nya na naka pamaywang pa sakin.

"Bata pa ako. Di pa ako stable. Mabilis lang yan, saka bakit ako ang pinoproblema mo? Ako nga di ko problema lovelife ko e." Natatawa kong saad sa bungangera na to.

"Pano wala naman! Bata? Gaga! Mag bente singko ka na bata pa din? May bahay at lupa ka na. May kotse may trabaho. Maganda sexy pwede maging model at pumasok sa FHM magazine di pa din stable?! Aba! Anong balak mo? Bulokin ang biyaya? Aba'y ipamudmod mo naman!" Litanya niya sakin. Natatawa na lang ako sa kadaldalan ng babaeng to.

"Hay nako best hayaan mo na ako. Malaki nako kaya ko na to. Wag ka mamroblema sakin mag boboyfriend din ako sa tamang panahon." Sabi ko sa kanya at ngiti. Inarkohan nya ako ng kilay at pinag cross ang mga braso sa dibdib niya at umupo sa harap ko.

"May dahilan ang lahat ng bagay kung bakit nangyari yun. May dahilan siya kung bakit ka niya iniwan. Pero hindi habang buhay mag aantay ka na lang. Kailangan mo lang mag antay ng tamang oras para malaman ang dahilan."

Para akong sinapak sa sinabi niya. Eto na naman kami. Alam na alam niya ang lahat. Kilalang kilala niya ako. Alam niya kung bakit ako ganto. Dahil yun sa lalaking yun. Ang dati kong bestfriend.

Turn On MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon