Chapter 2: The Bar

367 7 0
                                    

Georgina Pov

Patapos ko ng inumin yung Choco Moo ng magsalita naman si Jake.

"Grabe ka Queen! Babae ka ba?? Naubos mo lahat yun??"

"Oo babae ako hindi ba halata??"

"Hindi! Tingnan mo kahit anong lamon este kain mo ang sexy mo pa rin. Ano sikreto mo Queen??"

"Ga-o! In born na yan at kulang pa nga ito eh"

"What the- kulang pa lahat yun?? 6 na Cheese burger, 1 Cheese Ring, dinagdagan pa ni Luke ng Cheese Curls at yung drinks mo 1 malaking C2, Choco Moo, at Yung Chukie tapos binigyan ka pa ni Michael ng 2 donut at dinagdagan rin nila Blake at Blaze ng donut yung isang box pa. Kulang pa yun?!"

Inubos ko muna yung iniinom ko, bago ako nagsalita.

"Kulang lahat dahil binibigyan nga kita diba??" At umirap sa kaniya"Atsaka hindi sapat yun dahil wala akong kain ng kanin"

"Grabe!! I cant believe you!"

"Well?? Belive it or not"

May sasabihin pa sana siya ng lumapit si Trav sa amin.

"Hey Queen!! bar tayo mamaya??" sabi niya at sabay akbay sa akin.

Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Hehehe peace Queen!!" sabi niya sabay tanggal ng braso niya sa balikat ko.

"Sige na Queen, Bar tayo!"

"Oo nga Queen!! Bar tayo!" si Jake na ginatungan na rin.

Gusto ko rin naman eh. Wala namang kasing ginagagawa sa bahay. Tapos ko na lahat ng trabaho ko at linggo naman bukas.

"Tanungin niyo muna yang mga yan, kung gusto nila."

"Ano Sasama kayo?? Bar tayo??"

"Queen's decision" spade

"Desisyon ni Queen" Jm

"Queen's decision" Van

At yung kambal nagkibit balikat lang at tumingin sa akin.

"Queen??"

Tanong naman ni Trav at Jake. Kaya ang tema lahat sila nakatingin sa akin at hinihintay yung sagot ko. Napailing na lang ako atsaka nagsalita.

"Tawagan mo yung mga nasa HQ at trabaho nila, Sa Queen's Bar, 11:30 dapat nandun na sila at yung mga trabaho nila?? Sa isang araw na nila gawin."

Pagkasabi ko naman nun akala mo nanalo sa lotto ayun naghiyawan sila. Silang dalawa lang. Mukhang wala sa mood ang kambal ah.

"Whooo! Yes!!!" sigaw ni Jake at nagsusuntok sa ere.

"Yahooo!!! Yes!! Yes!! Naman" sigaw rin naman ni Trav.

"Don't worry Queen kami na ang bahala sa kanila"

Sabi ni Jake kaya tumango na lang ako sa kaniya at tumingin sa orasan 10:45 na. Patapos na yung shift ko siguradong darating na rin yung papalit sa akin.

Tumayo naman ako at saka nagpaalam sa kanila na magbibihis na ako. Tumango naman sila sa akin. Pero yung dalawa.

"Sige Queen, Dapat maganda ka ah!" sigaw ni Jake.

Gago talaga, Binatukan naman siya ni Trav. Kaya umalis na lang ako dahil alam kong magbabangayan lang yang dalawa.

"Tanga!! Mataggal ng maganda si Queen"

Napailing na lang ako at saka dumiretsyo sa locker naming mga staff. At kung iniisip niyo sa counter si Spade na bahala dun alam niya na gagawin dun.

At nagtataka kayo kung bakit ganoon na lang kagalak yung mga yun?? Minsan lang kasi ako sumangayon magbar dahil mahalaga ang trabaho sa akin.

Pagtapos kong magbihis lumabas na ako ng locker, Paglabas ko naman ready ng umalis yung mga kasama ko at nandito na rin yung papalit sa akin.

"Hi Gina" nakangiting bati naman ni Mark at ni Jhoms sa akin.

"Hi! Kayo na bahala dito ah" sabi ko sa kaniya at tumango naman sila ng nakangiti.

"Magiingat rin kayo. Sige alis na kami"

Sabi ko sa kanila at lumabas na.

"Uwi muna ako, Magkita na lang tayo sa bar"

"Queen hatid na kita"

Sabi ni naman ni Van, Pero umiling lang ako sa kaniya.

"Hindi na, Tatawagin ko na lang yung si skull at Jake natawagan mo ba sila??"

Tanggi ko kay Van. Para na rin mabilis ako makauwi tatawagin ko na lang si skull.

"Oo, Queen pupunta daw sila"

"Ok sige, Magkita na lang tayo sa Queens Bar. Next time na lang Van"

"Osige, Queen hintayin ka muna naming makaalis"

Tumango ako saka pumito

*Wistle*

After 5 seconds lang naman.

Nakarinig na kami ng tunog ng motor.

Vroom! Vroom! Vroooooom! Vroom!

Tumigil naman ito sa harapan ko.

"Hello skull" sabi ko na may malaking ngiti pa sa labi.

"Woah!"

*gasp!

Alam kong gulat sila, dahil nagbago na naman si skull.

"Woah! Talaga nga naman oh. Ang ganda talaga ni Skull, Grabe! Nagupgrade na naman ba si Skull Queen??" tanong ni Jake

"Oo, inayos ko yung makina niya at pati yung loob niya inupgrade ko. Papakita ko sa inyo next time, Kung ano na ang kayang gawin niyan"

"Sige, Queen" Trav

"Grabe ka Queen, ikaw na!" Jm

"Its amazing Queen" Spade

"Grabe sobrang astig niya Queen" Jake na hindi pa rin makapaniwala.

"Its Gorgeous, Queen" Van

Ngumiti na lang ako sa mga komento nila at saka sumakay na sa motor.

"Sige, Kita na lang tayo 11:30 okay?? See ya'!" ako at sumaludo na at pinaandar yung motor.

Kung nagtataka kayo kung sino si Skull, Hindi siya sino, ano siya. Motor siya at hindi siya tao. Kung paano ko nagawa yung pagsipol lang sa kaniya, Dumating agad siya?? I tell you some other time. Pero ngayon?? Kailangan ko munang umuwi at makapagpalit na ng damit at makapunta sa Queens Bar, kung nagtataka ulit kayo na kapangalan ko yung bar. Yup, akin yung bar na iyon. Paano nangyari?? Thats a Big Secret But I will tell you in the Next Chapter I will tell you who I am and reveal how did that happen so see ya'!!

The Mysterious QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon