Chapter 5: The Call

273 3 0
                                    

Georgina Pov

Ayan na naman sila. Napailing na lang ako. Hindi na ako nasanay palagi, naman silang ganyan kaingay pagnagsama sama.

"Hey Queen, Nagorder na pala kami ng drinks and sila Lucas habol na lang daw sila" sabi naman ni Van at umupo na.

"Kayo?? Hindi pa kayo magsisiupo??" tanong ko sa mga nakatayo lang at nakatingin lang sa akin.

"Hehehe peace Queen" si Jm na naka peace sign pa at umupo na rin, pati na rin ang iba nagsiupo na.

"May importante akong sasabihin at kailangan ko ang presensya niyong lahat pero--" pabitin kong sabi"magenjoy muna kayo ngayon!"

"Yun oh!!"

"Wohooo!!!"

"Yeah!!!"

"Yun ang hinihintay ko!!"

"Wohoo!! I love you na talaga Queen"

Hiyawan na naman nila.

"Wait lang!!" sigaw ko naman, tumigil naman sila at tumahimik. "Hindi pa ako tapos diba?? Sa ngayon lang ah. But no bitches, no sluts and no flirts here okay?? Dun kayo sa ibaba makipaglandian at syempre pag nakumpleto na kayo magsiakyat na kayo at walang iinom sa inyo sa ibaba nagkakaintindihan tayo??" ako na tiningnan sila isa-isa.

"Copy that Queen!! Let's Party!!!" sino pa ba ang nangunguna. Edi si Jake.

Nagsisigawan na naman sila habang papalabas at naghihilahan din. Mga sira talaga.

"Bye Queen see you later!!" Si Max

"Ugh!! Put*!! Bitawan niyo nga ako!! Mga gag* kayo!!" alam niyo na kung sino yan.

"Wag ka nga!! Mageenjoy tayo!!" syempre ang always na kaaway niya ang kambal.

"Mga Gag*!! Hindi ko kailagan--" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng sumarado na ang pinto.

Napahilot na lang ako sa sintido ko at napayuko,Hayst! Buti naman at tumahimik na.

"Queen okay ka lang??"

Napatingin naman ako sa nagsalita si Spade pala. Nandito pa pala ito. Nakaupo lang siya sa kinauupuan nya kanina.

"Oo, okay lang ako" sagot ko sa kaniya at humiga sa kinauupuan ko, sabay patong ng mga paa ko sa arm rest ng sofa "Hindi ka ba susunod sa kanila??" tanong ko sa kaniya.

"Nope! So... What's that Important thing your saying??" tanong niya rin pabalik.

"Mamaya ko na sasabihin pagkumpleto na kayo" sagot ko sa kaniya at pumikit.

"But Queen--" kokontra pa sana siya ng inunahan ko na.

"No but's"

"Queen naman eh!"

Ganiyan siya pag kaming dalawa lang, kahit naman may kasama kami ganiyan pa rin siya.

"Shatap!"

Hulaan ko naka pout yan.

"Sige Queen, Dun lang ako sa labas, iwanan muna kita. Mukhang importante talaga iyang sasabihin mo. Kaya mamaya na lang dahil, ayaw mo ring sabihin sa akin"

Tiningnan ko naman siya at nakangiti lang. Tiningnan ko yung mga mata niya. Saka ako tumango.

Alam niyo kasi sa lahat ng mga kaibigan ko. Si Spade ang matino kausap maliban sa iba na matino rin naman, kapag seryoso ang usapan. Siya yung madalas ko nasasabihan ng mga importanteng bagay. Kaya best buddy kami niyan. Kaya nga rin nagseselos ang iba sa kaniya dahil mas close daw kami. Mga sira talaga.

The Mysterious QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon