Georgina Pov
Nandito na ako ngayon sa trabaho at 6:30 na ng gabi. Himala at wala akong bantay.
Napatingin naman ako sa pinto ng store ng marinig kong tumunog yung bell.
At speaking of the bantay, ito sila lumapit sa harap ko na nakangiti pa maliban nga lang kay spade
"Yow! Queen sorry nalate kami"
Meet Jake Bautista, 20 'The Play Boy' pero, seryoso iyan pagnasa trabaho and one of The Princes.
"Hi Queen! Kami ang bantay mo ngayon"
Meet John Michael Santiago, 20 'The Angel' pero, pagnagalit world war na at isa rin sa mga prinsipe.
"Queen"
Spade Evan Montero, 20 "The Silent" kung siya akala mo tahimik lang, para sa akin hindi dahil sa ibang tao lang tahimik yan at pag kami ang kasama malakas din trip niyan, siya ang tahimik pag kumilos, one of the princes.
"Hi Queen! Ganda natin ah"
Travis Nigel Gomez, 20 "The Bulero" Siya naman ang isa sa SPY namin at hindi po kami spy's ah spy kasi siya ang tagaspy namin at taga kuha ng mga impormasyon na kailangan namin at isa rin sa mga prinsipe.
"Hi! Kula--"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng marinig ko yung bell ng pinto na bumukas ulit.
"F**ck bitawan niyo ko! Ano ba p**a! Bitaw sabi eh!!"
"Hi Queen!!"
Nakangiting sabi nila Blake at Blaze Davis habang may akbay akbay. "The twins" kung may parner in crime sila twins in crime dahil gulo ang makasama sila, Kasama rin sa mga prinsipe.
"F*ck you both!"
Sigaw ng akbay nila, ng makawala sa hawak nila at hinamas himas ang leeg niya.
"Hahaha okay ka lang Van??"
Tanong ko sa kaniya, Kaya napatingin naman siya akin ng nanlalaki ang mata ng marinig ang boses ko.
"Que-Queen?!"
Meet Luke Van Castillon, 20 "The Short Tempered at Cussing Machine" Para siyang si spade tahimik lang, Pero pag naasar na, Gyera. Isa din sa mga prinsipe.
"Hahaha napicturan mo Blaze??"
"Yup! Hahaha"
Nagulat naman ako ng nasalikod ko na pala si Blaze.
"Tada!!"
At pinakita sa kanila yung picture ni Van at ako na napapailing na lang sa kalokohan nila.
"Hahaha anong mukha yan Luke??" asar naman sa kaniya ni
Trav"Tan*na niyo!! Burahin mo nga yan!!"
Diba?? Pikon kasi yan, sa akin lang naman di napipikon yan eh.
"Kayo, tama na yan. Baka wala ng pumasok na costumer dito, sa pinagagawa niyo at tigilan niyo na yan si Van"
Sabi ko sa kanila at nakita ko naman siyang ngumiti sa akin, Kaya--.
"Baka umiyak yan"
Sunod ko naman na sabi atsaka mahinang tumawa ng makita kong magpout siya. Seriously??
"Queen naman!"
At nagtawanan naman yung mga kasama niya, Silang pito ay kasama sa No Escape at ganyan silang lahat, Lagi akong may bantay kapag shift ko na sa trabaho.
"Oh sige na, tama na yan at pumwesto na lang kayo"
"Yes Queen!"
Sabay sabay na sabi nila at pumwesto at yun ay magbantay talaga (-_-).
Nagtataka kayo kung bakit wala man lang nagtangkang magnakaw?? kahit na nakatalikod kami sa kanila?? Dahil takot silang mahuli, Kasi pag nahuli ka ng isa lang sa kanila, Siguradong wala kang kawala at wala rin namang silang matatakbuhan, Mahuhuli at mahuhuli pa rin sila ng mga ito. Lalo na at pito pa ang hahabol sayo. Kawawa ka talaga.
Hindi sa pamamayabang ah, wala 'Pa' ni isa sa amin ang nakatakas, kung may nakakatakas man sinasadya namin yun. Dahil mahilig kami mag laro sila ang pinaglalaruan namin.
Hour Later
"Keep the change!"Sabi naman ng huli kong customer akala mo talaga napakalaki nung sukli eh dos lang naman, Napailing na lang ako ng makaalis na yung babae pagkatapos ko ilagay sa paper bag yung mga binili niya.
Hoo! Tapos na at 10:00 na, Ikaw ba naman ang limang oras nakatayo at hindi pa kumakain, Nakakapagod at nakakangalay kaya at nakakagutom rin.
Grabe ang daming costumer kanina, puro babae naman, may ibang lalaki pero madalas ang mga babae, pabalik balik pa yung iba, halata namang yung mga kaibigan ko ang ipinupunta.
Napailing na lang ako at napatingin sa orasan. 10:05 na.
"Nagugutom ba kayo??"
Tanong ko sa kanila, tahimik lang naman ang mga yan eh, maliban nga lang kanila Jake at Trav, pati na rin dun sa kambal. Dahil inaasar na naman nila si Van na mukhang nagtitimpi lang sa kambal, para na nga siyang sasabog sa galit eh.
"Ok lang kami Queen, Busog kami" sagot naman ni JM
"Oo nga Queen, Dapat ikaw ang kumakain, para naman magkalaman laman ka, tingnan mo ang payat payat mo" segunda naman ni jake
Aba't gago to. Hindi na ako nasanay ganyan talaga yan. Sasagot na sana ako ng magsalita si trav.
"Bobo!! At Tanga ka ba?? Nasaan utak mo?? At malabo na ba yang mga mata mo?? Ang sexy kaya ni Queen at kulang ang salitang Gergeous sa pagdescribe sa kaniya"
"Tama! Tama! At saka hindi naman payat si Queen eh. Sexy kaya siya *munch *munch" sagot naman ni JM at ngumunguya na.
"Hindi daw gutom" bulong ko na lang.
"Tumahimik na nga lang kayo! At ikaw Jm wag kang magsalita na puno ang bibig mo! Kadiri ka! tumatalsik pa!"
Ayan na ang short tempered namin at kung hindi niyo naitatanong anghel yan si Jm pero childish yan minsan o madalas (-_-')
Nagbaba naman si Spade ng malaking C2, Chukie, Choco Moo at Cheese Rings sa counter at syempre kahera ako. Pinunch ko na at saka binigay ko na yung sukli niya.
"Here Queen, eat this and drink this, I know your hungry at ako muna ang palit sayo, kain ka muna at pahinga, tutal break mo naman" sabi naman ni spade at binigay sa akin yung mga binili niya at yung hawak niyang plastic ng burgers.
Napailing na lang ako. Kahit naman tatahimik tahimik yan ay caring yan, sa akin nga lang.
Kukunin ko na sana ng tumalikod siya sa akin dala yung binili niya at burgers, nagpunta sa isa sa mga mesa dito sa store at minuwestra sa akin, na dun daw ako umupo.
Napailing na lang ako at ngumiti sa ginawa niya. Gentleman din yan.
Oo nga pala kung nagtataka rin kayo, kung saan namin kinukuha ang pagkain namin, binibili po namin yun sa labas ng store, may 24 oras kasi na bukas na Angels sa malapit sa store at sa store naman na ito bumili ng sofdrinks at ng makikita dito.
"Thank you spade" ako ng makalapit sa kaniya at umupo.
"Kami spade?? Hindi mo ililibre ang unfair mo naman o hati na lang tayo Queen" sabi naman ni Jake.
Kaya binigyan ko siya ng death glare at tinaas ko yung hinliliit ko sa kaniya.
At inayos na yung mga kakainin ko at nagsimulang kumain ng maiayos ko at syempre si spade muna ang pumalit sa akin.
Kampante naman ako dyan kay spade eh wag lang dun sa anim, dahil baka masira lang nila yung Casher.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Queen
ActionShe's Queen Georgina Death Santos but, it's that her real name?? She's Myterious She's naughty She's an angel in and out She always wear her inoccent face She like playing games with the people around her She have a lots of secrets She know you, eve...