Chapter 10: His Pov

310 5 0
                                    

Kris Pov's

F*ck I can't move. It's like my whole body is numb. Kahit na ang ulo ko hirap igalaw. What she f*cking do to me?

Sinusubukan kong igalaw ang katawan ko, pero hindi ito sumusunod. Napatingin naman ako ng biglang may nagsalita. Ito ata yung gagamot sa akin.

"Huwag mo ng subukang gumalaw, dahil kahit anong galaw mo hindi ka makakagalaw. Kahit na anong pilit mo at--"

Naputol ang sasabihin nito ng mapasigaw ako sa sakit.

"Sh*t!!!" malakas na sigaw ko, dahil sa pagkakagalaw ko.

"Masasaktan ka lang" patuloy namam na sambit nito.

At nang makalapit sa akin, ay umupo ito sa tabi ko at nilapag ang isang Black box na parang medicine kit, base na rin sa cross na nasa labas. Pero bakit black?

"Ano bang nangyayari sa kaniya? Bakit hindi siya makagalaw?" tanong ni Rayven

"Oo nga, ano ba-- teka, anong gagawin mo dyan?!" gulat na tanong naman ni Ryan.

Nang makita itong maglabas ng syringe na may laman na pink na likido. Pati ako nagulat, dahil hindi ko alam kung bakit may ganun siya. Ano ba yung kulay pink na iyon?

"Easy ka lang pre, hindi mamatay dyan yang kasama niyo" rinig kong sagot ng isang lalaki.

"Ano ba kasi iyang nasa syringe? Drugs? Don't tell me ituturok niyo iyan sa kaibigan namin?" rinig ko namang tanong ni Thunder

"Oh shut up! Dexter tapusin mo na nga iyan!" sigaw naman ng isang lalaki

"F*ck!!!" malakas na sigaw ko sa sakit ng walang atubiling iturok sa akin yung syringe

Ramdam ko ang pagpasok ng likido na iyon sa katawan ko. Tinurok niya ang syringe sa pagitan ng leeg at balikat ko. Nang maubos ang laman nito ay tinanggal na niya at pinunasan lang ng bulak na may alcohol.

Niligpit niya yung ginamit niya. Tumayo at may tinawagan.

'Brad'bati nito

Ba't ganito ang pakiramdam ko. Hindi ako nanghihina. Nahihilo ako, Inaantok. Parang gusto nang pumikit ng mga mata ko.

'Oo brad, pwede bang magpadala ka ng medic?' rinig kong tanong nito

Ramdam kong unti unti namang sumasara ang mga mata ko

'Sa Queen's Bar brad' ang huli kong narinig at saka tuluyang pimikit

*Black out*

Laurence Pov's

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Yung babaeng yun. Kamukha niya si Charmaine. Ang babaeng mahal na mahal ko. Pero, hindi siya yun sigurado ako, dahil iba kumilos ang babaeng yun at parang walang sinasanto. Iba rin ang awra ng babaeng iyon parang sumisigaw ito ng "DELIKADO". At pati yung pananamit niya iba rin. Hindi ganun manamit si Charmaine, dahil babaeng babae manamit iyon. Mahinhin rin iyon at napakabait. Atsaka babaeng babae kumilos iyon. Hindi ko naman sinasabing lalaking kumilos yung babaeng iyon, pero yung kilos niya kasi parang laging naghahanap ng gulo. Katulad ng kapatid ko.

Speaking of kapatid ko, napatingin ako dito ng malakas itong magmura.

"F*ck!!!" malakas na mura nito sa sakit

Nakita ko naman kung anong ginawa nung dexter. May itinurok ito sa kapatid ko. Pero, teka a-a-ano yung likido na iyon? Bakit kulay pink?!

Magtatanong na sana ako, ng maubos niya yung laman nung syringe. Bigla itong tumayo at may tinawagan.

'Brad' simula nito

'Oo brad, pwede bang magpadala ka ng medic?' tanong nito

'Sa Queen's Bar' sagot ulit nito sa kausap

The Mysterious QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon