Georgina Pov's
Pagdating ko sa harap ng gate, automatic itong bumukas. Dumiretso naman ako agad sa garahe. Pinarada ko yung motor at lumabas ng garahe. Habang naglalakad ako papunta sa bahay, pinapaikot ko yung susi ng motor sa daliri ko.
Nang makarating sa bahay, agad kong tinaype yung password. Maikli lang yung password, pero hindi ko alam kung bakit hirap ang mga hacker sa paghahack ng lock. Well? that's because of being a programmer.
Yes, I'm a programmer pinagaralan ko iyan noong siyam na taon lang ako. Dahil na rin puro teknolohiya tayo. Pinag-aralan ko ang pagiging programmer para maprotektahan ang sarili ko, ang mga kaibigan ko at lalo na sila tito at tita. Hacking a system is the best part.
Nang makapasok ako, syempre madilim (-_-').
"Lights" sambit ko at automatic namang bumukas yung mga ilaw.
Ibinaba ko naman muna yung bag ko sa couch at umupo dun. Pagkaupo ko, sumandal ako sa head rest ng couch at pumikit.
F*ck! kanina pa 'to ah. May nararamdaman kasi akong kakaiba. Hindi dahil sa mga nakamasid sa akin at sa mga nakasunod. Kakaiba itong pakiramdam ko, kinakabahan ako na hindi ko alam kung para saan. Hindi kaya may nangyayaring hindi ko alam?
F*ck! Ang No Escape. Mabilis naman akong napamulat at tumayo. Binilisan ko rin ang pagakyat.
Nang makarating ako sa kwarto ko, mabilis akong nagpunta sa walk in closet ko. Kinuha ko dun yung isang set ng all black na damit. May leather jacket ito at fit na sando, may leather short din itong kasama. Kinuha ko naman sa shoe rack yung black boots ko.
Mabilisan akong naghubad at nagpalit. Huwag naman sana yung iniisip ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko, kapag may nangyari sa kanilang hindi maganda.
Pagtapos kong magbihis, tinanggal ko yung wig ko at nilugay yung buhok kong may kulay, na hindi ko alam kung paano nangyari. F*ck this feeling!
"Huminahon ka Georgina. Walang maitutulong yang pagmamadali mo. Walang mangyayari sa kanilang masama. Wala" Bulong na pakiusap ko sa sarili ko.
I just hope wala nga. Bumuntong hininga ako at umupo sa harap ng salamin. Nagtataka siguro kayo kung bakit hindi ko binuksan yung ilaw. May dim lights naman, kaya madali kong maaninag kung saan ako pupunta at syempre kabisado ko yung kwarto ko.
Humarap naman ako sa salamin at tinanggal yung contact lense ko. Napatitig naman ako sa dalawang mata ko sa salamin. Magkaiba ang kulay nito. Dahil na rin sa pagkakaiba ng mga mata ko, hindi ko magawang maging normal. Well maliban na lang sa No Escape at kanila Tito at Tita. Sa kanila ko lang nararamdaman ang paggiging normal.
Ilang sandali pang pagtitig ko sa mata ko. Kinuha ko na yung mask ko at isinuot.
Sa pagtatago ng identity, Hindi muna ako ngayon si Queen ako muna ngayon si DEATH na kinakatakutan ng marami.
Bago bumaba, lumapit muna ako sa book shelf ko. May inurong naman ako na isang libro, umikot naman ito. Kinuha ko naman mula duon ang twin pistol ko. Eagle ang tatak nito.
Pagkakuha ko nito. Pumunta naman ako sa drawer ko at kinuha ko dun yung strap para sa baril ko. Sinuot ko ito sa magkabilang hita ko. Matapos kong suotin ito pinasok ko na yung dalawang pistol sa magkabilang hita ko.
Pagtapos kong ayusin yung sarili ko. Lumabas na ako ng kwarto. Pero bago yun, kinuha ko yung remote ko at pinindot yung green button na para sa open. Bumukas naman yung pader na nasa kanang bahagi ng kama ko. Lumabas naman mula doon ang isang babaeng kamukhang kamukha ko.
"Ano aalis kana?" Tanong nito.
Tumango naman ako at nagsmirk sa kanya.
"Tss.. Siya sige layas na at ng makapag-beauty rest na ako" sabi naman nito at hinubad yung roba na suot niya. Saka ito humiga sa kama ko.
BINABASA MO ANG
The Mysterious Queen
ActionShe's Queen Georgina Death Santos but, it's that her real name?? She's Myterious She's naughty She's an angel in and out She always wear her inoccent face She like playing games with the people around her She have a lots of secrets She know you, eve...