Nagbabyahe na kami ni Dad papunta daw sa isang university na papasukan ko.
"Dad, sigurado ka bang tama itong dinadaanan natin?" Takang tanong ko kay dad. Parang hindi paaralan ang pupuntahan namin. Halos mga puno lang ang nadadaanan namin.
"Relax lang Katniss anak. Malapit na tayo." ngiting sagot ni dad.
"Pero dad, that's what you said an hour ago." sagot ko habang nakatingin sa rearview mirror.
Hindi ko maiwasang kabahan dahil hanggang ngayon hindi parin sinasabi ni dad ang dahilan kung bakit ako lilipat ng school. Okay naman ako don ah!
Pero hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kagabi. Kinaumagahan sinabi sa akin ni dad na lilipat daw ako ng school. Doon mababantayan daw ako kung saan hindi ako mapapahamak.
Flashback
Nagising ako dahil sa isang ingay na malapit sa aking kwarto. Laking gulat ko nang lumabas ako sa kwarto.
"Sino ka? A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Kinakabahan kong tanong sa isang lalaking naka maskara na nakusuot ng itim na cloak.
"Graciela". Sabi nito habang nakatitig sa akin.
"Anong Graciela? Hindi yan ang pangalan ko. Umalis ka na dito bago pa ako magpatawag ng pulis". Sigaw ko sa kanya.
"Sumama ka sa akin, Hindi ka nararapat dito". Sabi niya na hindi pa rin inaalis ang titig sa akin.
"Hindi ako sasama say-" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinigit. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa akin.
"Ano ba, let go of me. Dad! help me!" sigaw ko para humingi nang tulong pero hindi lumabas si Dad.
"Arayy! Ano ba nasasaktan ako. Bitawan mo ak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may liwanag na unti unting lumabas sa aking katawan na may kasamang kuryente na gustong kumawala.
"Hindi pa tayo tapos, babalikan kita"
Yun ang huling narinig ko na sinabi niya ng biglang dumilim ang paningin ko at nakita ko ang nag aalalang mukha ni dad.
"Katniss, wake up! Katniss" sabi ni dad nang nawalan na ako ng malay.
YOU ARE READING
The Long Lost Princess of the Enchantasia Academy
FantasyAnd above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it