GRACIELA
Ala 6 palang ng umaga ay may malakas ng kumakatok. Ano ba yan, istorbo sa tulog ko.
"Graciela, pakibuksan nga yung pinto". Sabi ni Jasmine na nakapikit pa din ang mga mata.
Bubuksan ko pa lang ang pinto ng-
"Open the door or else both of you will die". Nagmamadali akong pumunta sa pintuan. Siya pa yung storbo sa tulog namin siya pa tong galit. Gunggong talaga.
"What the fuck is your problem? Ang aga-aga pa para manggulo ka sa tulog namin".
Sigaw ko sa kanya. Para na akong sasabog sa sobrang inis."I don't effin care kung nagulo ko kayo. Bumangon na kayo dahil pupunta tayo sa Britanya Forest. Remember?" Sabi niya habang nakapamulsa.
Biglang nag sink in sa akin ang sinabi ni sir kahapon. Oo nga no? Ngayun pala eh ba't ang aga? Di ba pweding mamaya nalang .
"Ano bang tinutunganga mo diyan? We need to hurry". Halata sa boses nya na naiinis na.
"Pwede ba, itikom mo muna yung bibig mo. Ang sakit sa tenga". Sabi ko sabay sarado ng pinto. Bahala na kung bastos. Manigas sya sa kakahintay.
Gising na rin pala si Jasmine.
"Bakit ang aga nating pupunta sa Britanya?" tanong niya habang nag uunat.
"Di ko alam sa gunggong na yun." Padabog akong pumunta sa cr para maligo.
After 20 minutes, tapos na kami ni Jasmine at hinahanda na namin ang aming mga bag. Syempre nagdala kami ng pagkain kung sakaling gutumin man kami. Hello? Gubat kaya yung pupuntahan namin.
Lumabas na kami at nakita namin si Bryle na tumatakbo palapit sa amin. Bakit ba palagi siyang late? At si gunggong naman, ayun naka poker face at tinignan ng mata sa mata si Bryle.
"Sorry kung late ako bro. Late ako nagising." Pagpapaliwanag ni Bryle .
Imbis na sagutin siya ni Liam, bigla nalang itong tumalikod at naglakad na nakapamulsa. Pansin ko rin ang itim niyang hikaw, para san kaya yun? Aish ba't ko ba yun iniintindi?
Malapit na kami sa gate ng biglang nagmura si Bryle. Ano na naman kayang problema nito?
"Shit bro, hindi tayo makakalabas ng Enchantasia dahil hindi natin kasama si sir Harold at yung ibang students." Sabi ni Bryle na niyuyogyog pa si Liam. Abnormal rin to minsan tong ugok na to.
"Quit it Bryle, may naisip ako, umatras kayo".
Umatras rin kami katulad nong sinabi ni Liam bigla nalang siyang tumakbo at
"Manong guard may nag aaway po dun sa likod" Sumbong ni Liam sa guard kahit di naman totoo. Nagpipigil na rin kami ng tawa dahil ang cute niyang tignan. Teka! Erase erase. I mean para siyang baliw. Tumakbo naman ang mga guard papunta sa likod. Senenyasan kami ni Liam na lumapit sa kanya. Pumunta kami agad sa kanya. Inangat niya ang kanyang kanang kamay at nag wave siya sa harap ng malaking gate. Viola! Bumukas ito at dali daling kaming tumakbo sa labas.
YOU ARE READING
The Long Lost Princess of the Enchantasia Academy
FantasyAnd above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it