Chapter 7: We're Safe

1K 48 4
                                    

LIAM

Magsasalita pa sana ako ng biglang may tinuro ang kasamahan ni Siete daw sa likod.
"Siete, andito sya" turo ng kasamahan nya kay Graciela. Napakunot noo ako? Si Graciela  ang habol nila? Eh wala ngang magi yan.

"Bitawan mo akong pangit ka" nagpupumiglas na sabi  ni Graciela.

"Wag kanang pumalag, sumama ka nalang kung ayaw mong mamatay". Sabi nong kasama ni Siete.

"Bitawan nyo sya, akong harapin nyo". Lumingon kami sa likod kung saan nagmula ang boses na yun. Nakataas ang kanan nyang kamay na akala mo ay si Superman. Hindi ko sya kilala pero wala na akong pakialam, ang mahalaga ay makaligtas kami ngayon lalo na't hawak nila si Graciela.

"Ohh! Look who's here, isang taga Albanya, nandito ka rin ba para kunin ang babaeng may pinakamalakas na kapangyarihan? Tama ba?". Sabi nito at tumawa nang malakas. Hindi to maari. Kailangan ko silang protektahan.

"Ano bang kailangan nyo kay Graciela? Simpleng mag-aaral lamang siya sa Enchantasia at imposible yang sinasabi nyo na siya ang may hawak sa pinakamalakas na kapangyarihan." Wika ni Bryle. buti naman at nakapagsalita na sya. Kanina pa kasi yan tahimik na tila ba naguguluhan sa mga nangyayari. Well, naguguluhan rin naman ako.

Bigla namang nag cast ng spell yung lalaking superhero daw at may unti-unting nabubuo na ice spikes sa harapan nya. Agad naman akong gumawa ng fireball na may fireblade sa loob nito at sabay naming pinatama doon kay Siete. Boom! hindi nya inasahan ang atake namin kaya ayun tumalsik sa puno at nawalan ng malay.

"Yun lang? Hindi naman ako pinagwisan don ahh!" sabi nong lalaki.Hinanda ko ang aking sarili  na pang depensa kung sakaling aatake siya.

"Woaah! Relax. Mukha na ba akong kalaban sa mukha kong to?" Natatawang tanong niya. Tse! Wala akong panahon sa kanya. May isa pa akong kailangang patayin ngayon.

Humarap ako sa pwesto nina Graciela. Teka! Nasan na yung kasamahan ni Siete?

" Bro tapos na! Hahaha galing ko no?" Mayabang na sambit ni Bryle. Tss. Kahit kailan talaga.

"Ahh mga dude! Kukunin ko lang si Graciela ahh" akmang pupunta na sya kay Graciela nang bigla naman itong hinarangan ni Liam.

*
*
*
JASMINE

"Ahh mga dude! Kukunin ko lang si Graciela ahh." Lalapit na sana siya kaya lang ay agad naman siyang hinarangan ni Liam.

The Long Lost Princess of the Enchantasia AcademyWhere stories live. Discover now