Chapter 8: Lie

867 32 0
                                    



GRACIELA

Nandito na kami ngayon sa Enchantasia. Grabe kapagod tong araw nato.

"Go to the oval, 10 laps". Grabe naman tong si sir Harold walang awa.

"But sir" inis na sabi ni Jasmine.

"NOW!" Ayun nag unahan na kaming apat sa pagtakbo. Pinagtitinginan narin kami ng mga estudyante. Yung iba eh pinagche cheer pa si Liam at Bryle. Ano ba! Kainis! Alam ko naman na sikat sila dito sa pagiging rule breakers. Wait! Ano bang nangyayari sakin? Ah basta naiinis ako sa mga higad nayun.

Nakaka 8 laps palang ako eh yung tatlo tapos na. Ganun na ba talaga ako kabagal? Ang bilis ni Jasmine ahh! Bibilisan ko pa sana yung takbo ko ng biglang nag cross yung mga paa ko. Arghh! Kainis to bwesit!.

"Graciela, okay ka lang? Dalhin na kita sa clinic". Alalang sabi ni Jasmine na papalapit sakin.

"No, okay lang ako Jasmine. Kaya ko pa". Tatayo na sana ako ng sumakit bigla yung paa ko. Na strain yata.

"Wag ka kasing tatanga tanga". Sambit ni Liam na naka poker face ang mukha.

"Dalhin na kita sa clinic Jasmine". Pagpeprisinta ni Bryle! Aba marunong pala tumulong tong ugok nato.

"Ako na". Sabi ni Liam na ikinagulat ko.

Magsasalita pa sana ako ng agad niya akong binuhat na parang bagong kasal. Shet! Feeling ko napunta lahat ng dugo sa mukha ko. Sumunod naman si Jasmine at Bryle samin.

Ang daming nakatingin samin ng masama lalo na yung si Stacey kasama yung mga alipores nya. Remember her?

Nandito na kami ngayon sa clinic.

"Oh Jasmine ba't nandito kayo?" Sabi nung nurse ata yun.

"Ah kasi Heal yung kaibigan ko na strain ata yung paa nya".
pagpapaliwanag ni Jasmine sabay tingin sakin.

"Ohh sige, iupo nyo muna sya". Sabi ni Heal at agad naman akong iniupo ni Liam.

May kinuha si Heal sa kanyang cabinet at isa yung hmm healing potion? I guess. Naglagay siya ng konti sa kanyang kamay at pinahid sa aking paa. Unti-unting nawawala ang sakit.

"Okay na". Nakangiting sabi ni Heal at agad ko rin siyang sinuklian ng ngiti bilang pasasalamat.

JASMINE

"Jasmine, pinapapunta kayo ni Maam Aira sa Principal's Office" sabi ni Collin na nakapoker face at agad ring umalis. Ano bang problema niya? Ang sungit talaga niya. Magkatulad talaga sila ng kanyang kakambal na si Stacey.

"Sino yun? Grabe ang sungit". Sabi ni Graciela na naka pout.

"Gaga, di mo kilala? Si Cielo kaya yun, classmate natin". Natatawa kong sabi ni Graciela.

"Kakambal rin ni Stacey yun". dagdag ko pang sabi.

"Talaga? Halata naman eh, pareho silang masungit." sabi ni Graciela habang naka roll eyes.

The Long Lost Princess of the Enchantasia AcademyWhere stories live. Discover now