Liam
Nandito ako ngayon sa library para basahin ang tungkol sa nawawalang prinsesa. Posible kaya yung hinala ko tungkol kay Graciela?
Kanina pa ako hanap ng hanap sa libro pero hindi ko makita.
"Nasan naba kasi yun?" Maktol ko ng hindi makita ang libro na hinahanap ko. Nilibot ko na ang buong library pero wala eh. Hindi ko mahanap. "Baka nakuha na ng iba". Bulong ko sa sarili ko.
May nakita akong libro sa dulo ng shelf. Kakaiba sya sa mga libro na makikita dito sa library. Ngayon ko lang ito napansin at dahil curious ako ay kinuha ko ito at umupo sa bakanteng upuan.
The Princess' Companion
The princess must have a companion. This companion must serve his/her master and protect it from the enemies. If you can read this, then you must be the princess' companion. Guide her and protect her at all cost.
Mga ilang pahina narin ang aking nabasa at hindi ko maiwasang magtaka at magtanong tungkol sa nabasa ko.
If you can read this, then you must be the princess' companion. Guide her and protect her at all cost.
Ibig sabihin, ako ang tagapagligtas ng prinsesa? Pero hindi pa ako sigurado. Pinuntahan ko ang librarian at sinabing hihiramin ko ang libro.
" San mo nakuha yan?" Gulat na tanong ng librarian.
Tinuro ko naman ang dulong parte ng library.
"Nabasa mo ba ang nilalaman ng librong to?" Tanong ulit niya na hindi man lang natinag sa masama kong tingin na binabato sa kanya.
Tango lang ang iginanti ko sa kanya.
"Kung ganon, alam mo na ang ibig pinapahiwatig ng libro." Sabi niya sabay talikod habang inaasikaso ang ibang mga studyante.
BRYLE
"Like wtf bro? Totoo ba yang sinasabi mo? Hindi talaga ako makapaniwala na ikaw ang asbfhsh" Hindi ko natuloy yung sinasabi ko dahil tinakpan ang bibig ko ng bwesit nato.
"Will you please lower down your voice? Galit siyang tumingin sakin. Huhu paktays! Ginalit ko yung dragon.
" S-sory na bro. Di lang talaga ako makapaniwala sa sinabi mo kanina". Sabi ko habang nakapout. Cute akong magpout kaya wag kayong ano!
"Kahit nga ako eh. Nagulat ako sa mga nalaman ko. Iiling iling niyang sabi.
"Kung totoo man yan bro. Wala kanang magagawa. Gawin mo na lang ang responsibilidad mo kay Grac- ano baaaa! Ba't ba ang hilig mong takpan ang bibig ko? Naiinis na talagang sigaw ko. Bwesit naman eh.
" Psh you're so loud. Diba sinabi ko naman sayo na wag mong babanggitin ang pangalan niya hanggat hindi pa tayo nakasisigurado." Sabi niya at tumingin sa labas ng bintana.
"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ko nang bigla itong tumayo.
"Hahanapin ko ang sagot sa mga tanong mo para naman hindi ka naman mabaliw kakaisip." Grabe talaga tong tao to. Wala paring pinagbago. Gunggong parin.
GRACIELA
Umaga na pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun yung libro. Bakit wala nang nakasulat sa ibang pahina? Nakakagago naman kung walang sulat yung ibang pahina.
Pababa na ako nang madatnan ko si Jasmine na inaayos yung mga plato sa mesa.
"Oh mabuti naman at gumising kana Graciela. Kanina pa kita tinatawag pero ang himbing ng tulog mo." Tumigil siya paglalagay ng mga kubyertos sabay tingin sa akin. "Okay ka lang ba?"
" Haa? O-okay lang ako. May iniisip lang ako." Tangina bakit nauutal ako.
"Wag kang magsinungaling sa akin Graciela. Kaibigan mo ako. Sabihin mo na."
" Ah eh ano ka ba Jasmine. Wala naman akong tinatago eh. Uhmm. Masakit lang yung ulo ko." Sana maniwala sya. Hindi ko muna sasabihin yung tungkol sa libro hanggat hindi ko pa nababasa yung ibang pahina.
Siguro magcu-cutting class nalang ako mamayang last subject. Kailangan kong pag isipan kung pano ko mababasa yung ibang pahina sa libro.
"Guys, wala daw tayong klase ngayon kasi may meeting daw yung mga teachers." Sabi ng kaklase naming nerd na pawis na pawis sa kakatakbo galing faculty.
"Totoo ba yan? Sinong may sabe?" Aba aba. Inannounce na nga diba? Bobo rin tong Bryle na to eh. Tatayo na sana ako nang nahagip ko ang mga titig ni Liam. Seriously? Hindi na ako nakipagtitigan at tumayo na ako para pumunta sa library.
"Graciela, san ka pupunta? Hindi ka ba uuwi sa dorm?" Nagtatakang tanong ni Jasmine dahil iba yung daan na tinatahak ko.
"Pupunta lang ako ng library, Ahh ano una ka na lang sa dorm. Hindi rin naman ako magtatagal." Sabi ko sabay talikod. Sasabihin ko rin sa iyo Jasmine. Hindi muna ngayon.
Dala-dala ko ang libro ngayon at habang naglalakad ako patungong library, iniisip ko kung ano ang gagawin ko dito sa libro. TAMA! Magtanong nalang kaya ako sa librarian? Pwede. Baka alam niya ang tungkol sa librong ito.
Dumeretso ako sa librarian at pinakita ko sa kanya ang libro.
"Excuse me po. Magtatanong lang po sana ako tungkol sa libro na ito." Sabi ko sa librarian ng nakangiti.
"Tungkol saan ba ang librong iyan iha?" Tanong ng librarian ng hindi tumitingin sa akin dahil pinagpapatong patong niya ang mga libro na sinusuli ng mga estudyante.
"Ahh eh tungkol po sa Enchantasia." Pagsabi ko non ay bigla siyang humarap sakin ng nagtataka.
"Pano mo nahanap ang librong iyan iha? Hindi pa rin maalis sa mukha niya ang pagkabigla.
"Doon po sa pinakadulo ng shelf. Eh gusto ko po sanang magtanong kung bakit hindi ko mabasa yung mga sunod na pahina. Blanko na po kasi." Pagpapaliwanag ko pa sa kanya.
"Iha, alam mo bang patak ng dugo lamang ng prinsesa ang makakapagpabalik ng mga salita diyan sa libro? At saka, hindi basta-basta makakahawak ang nga pangkaraniwan diyan sa libro na yan maliban nalang kung ikaw ay mag dugong bughaw." Mahabang paliwanag niya sa akin na lalong nakapagpagulo sa isipan ko.
"Pero bakit po ganun? Bakit nahahawakan ko ang librong ito?
"Malalaman mo rin iyan iha." Sabi niya sabay ngiti at tumalikod. Bakit parang may kakaiba sa ngiti niya?
YOU ARE READING
The Long Lost Princess of the Enchantasia Academy
FantasyAnd above all, watch with glittering eyes the whole world around you because the greatest secrets are always hidden in the most unlikely places. Those who don't believe in magic will never find it