Ilang beses na akong nagmahal.
Ilang beses na rin nasaktan.
Ilang beses nagkamali sa mga desisyong nagawa,
At ilang beses na rin nalito kung alin sa dalawa.
Alin nga ba ang aking susundin,
Ang puso bang gustong maging masaya,
O ang isip na ayaw masaktan?
Ang puso kong nagsasabing sapat na siya,
O ang isip na nagsasabing dapat perfect.
Ang isip na nagsasabing sasaktan lang niya ako,
O ang pusong nagsasabing magtiwala lang ako sa kanya.
Ang isip na nagsasabing may iba siyang gusto,
O ang pusong nagsasabing ako ang gusto niya.
Ang pusong nagsasabing may pag-asa ako,
O ang isip na nagsasabing umaasa lang talaga ako sa wala.
Ang pusong nagsasabing pinagtatagpo kami ng tadhana,
O ang isip na nagsasabing nagkataon lang ang lahat.
Alin nga ba ang aking susundin,
Ang aking isip ba o ang aking puso?
Kung alin man ang aking mapili sa dalawa,
Sisiguraduhin kong hindi na magkakamali pa.
Parehas lang naman silang ipinapahiwatid,
Na ako'y maging lubos na masaya't hindi masaktan muli.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓
PoetryMga Tula na naiisip ng aking isipan.... TRy to read po