Bakit di na tayo pinagtatagpo nang tadhana?
Bakit kung kailan nahulog na ako sayo, ngayon ka pa di na nagpaparamdam?
Sinubukan ko naman talagang iwasan ka nung una.
Pero dun pa tayo laging pinagtatagpo.
Bakit ganito nalang ang nararamdaman ko ngayon?
Alam ko sa sarili kung wala akong karapatan.
Wala akong karapatan, na maramdaman ang nararamdaman kong ito ngayon.
Selos, para saan? Eh, wala namang tinatawag na tayo.
Alam ko naman sa sarili kung wala naman talagang kayo.
Pero bakit ganito nalang ang nararamdaman kong inis,
Tuwing nakikita ko kayong dalawang nag-uusap.
Yung tipong gusto ko siyang palayasin habang kausap mo.
Bakit ganito nalang masaktan ng puso ko.
Kung iisipin, wala naman talaga.
Dahil mismong ako, nakikipag-usap sa iba at nagkukulitan.
Kaso iba talaga eh, palibhasa magkatabi kasi kayo.
Kaya naman tuwing tinitignan ka, nakikita ko rin siya.
Buti pa siya nakakausap ka niya, simula nang naging magkatabi kayong dalawa.
Eh ako, hindi na nga kita nakatabi ni isang beses.
Malayo pa ang agwat natin sa isa't-isa't.
Kung ganun, bakit ganito mlng ako natamaan sayo,
Kung sa simula pang ay hanggang tingin at sulyap lang mula sa malayo.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓
PoesiaMga Tula na naiisip ng aking isipan.... TRy to read po