Actions are Nothing Without Words

565 9 0
                                    

Siguro nga masyado akong naniwala sa salitang,

"Actions speak louder than words" na yan.

Yung walang salitang nagmula sayo,

Dahil nagtiwala lang ako sa mga kinikilos mo.

Kaya naman ganito ang mga nangyayari ngayon,

Kaya naman nasasaktan ako nang ganito.

Bakit nga ba umasa akong parehas tayo nang nararamdaman?

Bakit nga ba umasa ako nang dahil lang sa mga kinikilos mo?

Kung kailan naman nahulog na ako ng todo,

ngayon ko palang napagtanto na mahirap pala.

Na ang hirap pala kapag walang  salitang magmumula galing sayo.

Masyado akong nagtiwala sa mga ipinapakita mo,

Yung tipong salita mo nalang talaga ang kulang,

kaso talagang kulang na pala simula palang.

Nagtiwala ako sa mga ipinapakita mong kabaitan.

Nagtiwala ako sa dalas nang ating pagtatagpo.

Nagtiwala ako sa tingin at ngiting ipinapakita mo.

Dahil sa mga kinikilos mo akala ko, may chance tayo.

Kaso akala ko lang talaga ang lahat ng iyon.

Oo't umasa ako, umasa ako, dahil sa kinikilos mo.

Ngunit bakit kung kailan nahulog na ako sayo,

Dun ka biglang nagbago,

Na mas malamig ka pa kaysa sa yelo.

Paano ko nga ba nasabing totoo ang lahat ng nakita ko noon,

Kung wala nga namang pagkokonperma na nagmula sayo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 15, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon