Minahal kita nang buong-buo, ngunit napapagod rin ang puso ko.
Lalo na kung ito'y laging binabalewala, nang isang katulad mo.
Ngunit bakit, bakit ngayon pa?
Ngayon pang kinakalimutan na kita.
Ngayong mayron pang may napapansin ng iba.
Ngayon pang may iba nang nagugustuhan.
Kung kailan nakakalimutan na kita nang buong-buo.
Bakit ngayon pa pinaliit ulit ang ating mundo?
Bakit binibigyan mo ulit ako nang rason?
Rason na para sabihin sa sarili kong dapat nag hintay ako at dapat hintay kita.
Kaso hindi kasi lahat nang pagkakataon, pwedeng ganito ang mangyayari.
Paano nalang ang puso kong ito, kung naghintay nga ako,
Ngunit walang mangyayaring ganito.
Patawad dahil hindi ako naghintay nang ganito katagal.
Patawad dahil mas pinili kung masaktan nang mas mabilisan.
Patawad dahil sumuko ako nang ganito kaaga.
Hindi ba't ako rin kasi ang masasaktan sa huli kapag walang ganitong nangagari.
Bakit nga ba ganito ang nararamdaman ko?
Bakit apektado parin ako sa mga ginagawa mo?
Nag sisinungaling nga lang ba ako sa puso ko,
At sadyang pinapaniwalaan ang nasa isipan ko.
Patawad, pero kailangan ko itong panindigan,
Hindi dahil ayaw kung sundin ang aking puso,
O baka naguguluhan lang ang aking puso't isipan.
Kailangan ko itong panindigan dahil kung ikaw nga ang tinitibok nito hanggang ngayon,
Sana hindi ako nagkagusto sa ibang tao.
Naniniwala rin ako sa isang kasabihan,
Na kung kayo nga ang itinadhana para sa isat-isa,
Kayo parin hanggang sa kahuli-hulian.
Kaya naman hahayaan ko nalang ang tadhana.
Para sulusyunan ang mga mangyayare pa.
Wag kang mag-alala kung tayo ulit ay pagtagpuin nito.
Hinding-hindi ko isasarado ang aking puso para sayo.
At hahayaang maibalik ulit ang buong-buong pagmamahal ko.
Na sa huli ay masasabi ko parin sa sarili kung ,
MAHAL KITA DAHIL MAHAL KITA at hindi MAHAL KITA DAHIL MAHAL MO AKO.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓
PoesíaMga Tula na naiisip ng aking isipan.... TRy to read po