Umasa akong mangyayari ang isang pagkakataon.
Umasa akong makakamit ko ang aking gusto.
Umasa akong makasama ang isang tao.
Ngunit hanggang ngayon,
Naiisip ko parin kung bakit ba ako umasa sayo.
Na kung bakit ipinagpatuloy ko pa ito.
Sana pinigilan ko ang lahat nang ito.
Sana wala nalang ang mga nararamdaman kong ito para sayo.
Para sana hindi na ako nasasaktan ng ganito.
Ngunit, para saan pa ang mga sana na iyon,
Kung hindi ko na mababawi ang nakaraang nangyari.
Sa milyun-milyong tao sa mundo, bakit sayo pa ako nagkagusto?
Sa taong walang pakialam sa nararamdaman ko,
Ngunit, masisisi ko ba ang puso ko?
Masisisi ko bang mag ka-gusto ako sa isang katulad mo?
Masisisi ko ba kung kadalasan nakikita ng aking puso,
Ang hindi nakikita ng aking mga mata?
Ang pag-ibig nga naman,
Na mas mapaglaro pa kaysa sa tadhana.
Ngunit sabi nga nang karamihan dito sa mundo,
Ang pagmamahal ay pang isang laro.
Kung saan hindi mo malalaman kung magwawagi ka o matatalo,
Kaya naman kailangan mong sumugal rito.
Upang hindi ka magsisisi sa huli na hindi mo ito sinubukan.
Subalit, kailangan mo ring isipin na baka matalo ka sa huli,
Ngunit ang tanging tatandaan mo, ikaw ay natuto dito.
Alam kong umasa ako sayo, umasang mamahalin mo din ako,
Umasang mararamdaman mo ang nararamdaman ko para sayo,
Kaso kasalanan ko rin to diba?
Pinilit kong umasa sa taong hindi talaga ako magagawang mahalin.
Ngunit kahit na ganun, kahit nasasaktan man ako ngayon,
Hindi ko parin malilimutan na ikaw ang nagpasaya sakin noon.
Kaya naman kahit nasasaktan ako ngayon,
Gusto ko parin mag pasalamat sayo... Mahal ko.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓
PuisiMga Tula na naiisip ng aking isipan.... TRy to read po