Gusto Kung Sabihin sa Tadhana

4.2K 15 9
                                    

Andaming humahanga sayo,

Na ako man mismo ay minsan nang humanga,

Dahil kahit nakatira sa magkabilang mundo, ito ay iyong pinagtatagpo.

Maraming nagiging masaya, dahil din sa mga ginagawa mo,

Kaya naman gustong-gusto ka nang karamihan dito sa mundo.

Ngunit bakit ganun,

May nagawa ba akong kasalanan sayo?

Bakit parati mo nalang akong pinaglalaruan?

Kailan ko pa ba matatagpuan, ang taong itinadhana mo para sakin.

Na kung bakit kailangan ko pang makilala ang iba, bago ko siya makita.

Gusto kong ipa-intindi mo sa akin, kung bakit mo ito ginagawa.

Kung bakit wrong timing, ang lahat nang mga nangyayari.

Kung bakit kailangan kung maranasan, 

Ang lahat ng mga ito bago ko siya makilala.

Gusto kong ipaliwanag mo sakin, 

Kung bakit yung mga taong hindi ko pa gusto, ang mga nagkakagusto sa akin.

Samantalang yung taong nagugustuhan ko'y may gusto na palang iba.

Gusto kong malaman, kung bakit hindi mo siya pinalayo agad.

Kung alam mo namang may iba siya, 

At hinayaan mo parin akong magkagusto, sa isang katulad niya.

Gusto kong ipaliwanag mo sakin, kung bakit gusto naman namin ang isat-isa

Pero bakit hindi parin kami pwedeng maging masaya.

Gusto kong malaman, kung bakit mo kami ipinagtagpo

Kung hindi naman pala kami ang para sa isat-isa.

Gusto kong ipaliwanag mo sakin kung bakit hindi mo sinabi sakin,

Na magugustuhan rin niya ako, para hindi sana ako sumuko noon,

At kinalimutan ang nararamdaman ko.

Gusto kung malaman, kung bakit ngayon ko pa malalaman 

Na gusto niya ako ngayong sumuko na ako sa nararamdaman ko para sa kanya 

dahil hindi na kaya ng puso ko.

Gusto kong ipaliwanag mo sa akin, kung bakit hindi mo agad ako sinabihan

Kung alam mo namang umaasa akong siya na ang para sakin

Na hindi pala siya ang itinadhana mo pa para maging akin.

Gusto kong ipa-intindi mo sakin kung bakit sa akin mo ito ginagawa,

Wala naman akong mga pinaglaruan o kasalanan sayo.

Ngunit bakit ganito mo nalang ako kung pinaglalaruan,

Hindi naman ako isang laruan na wlang nararamdaman at hindi nasasaktan.

Gusto rin kitang sisihin dahil sa paglalaro mo,

Nang dahil sayo marami rin ang nasasaktan at lumuha

Gusto kung magalit sayo at sigawan ka,

Ngunit tuwing ito'y nararamdaman ko na, pumapatak nalang ang aking mga luha.

Gusto rin kitang pagalitan dahil bakit kong sino pa 

Ang mga taong mapaglaro sa mga damdamin ng ibang tao

Sila pa yung mga nakakaranas ng mga matitinong pangyayari.

Ito ang mga gusto kong malaman, sabihin at itanong sayo,

Ngunit paano ko nga ba malalaman ang iyong sagot

Ngunit asahan mong maghihintay parin ako, magtitiwala parin ng lubos 

At kayang maghintay para sa taong naitadhana mo para sa akin.

Pag-ibig Unspoken Words (Unspoken Poetry)💞💕💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon