Third Person's POV
"Kean di mo naman sinabi sa kanila to diba?" tanong ni Kathrice kay Kean. pero hindi ito sumagot, sa halip, bigla nalang itong sumayaw.
nakakagulat man, pero oo, sumasayaw siya ng solo.
kung ibang tao siguro to, malamang pinagtatawanan na to ng iba, pero hindi si Kean.. siya yung tipong pag nakita mo, hindi mo aakalain na gagawin to, pero kapag nakita mo siya, iisipin mong isa siyang pro, plus his attractive looks.
maya maya, bigla nalang may dalawang lalaki na nakisali sa sayaw.
nagulat si Kathrice at Mia dahil pagharap nila....
si Adriel at Grey!
hindi alam ni Mia kung anong mararamdaman niya.. matatawa ba siya o kikiligin sa ginagawa ni Adriel.. pero isa lang ang sigurado, lalao siyang humanga dito.
nung matapos ang unang kanta, bigla nalang dumami ang tao sa gawi nila.
nawala sa paningin nina Kathrice at Mia ang tatlo.
hinanap nila ito pero bigla na namang nagkaron ng malakas at masayang music.
at lahat ng taong nasa gitna kanina ay parang mga sundalo na biglang nalang nagform at nag-umpisa na namang sumayaw.
![](https://img.wattpad.com/cover/504946-288-k576114.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Living with Plenty Hot Jerks!
Teen Fictionone girl and eight hot boys living under the same roof?!