Chapter 41 --- Because I'm not...

13.6K 214 13
                                    


Nung gabing yun, umuwi kami nang hawak hawak niya ang kamay ko..

Hindi siya bumitaw, at ayaw ko ring bumitaw..

Hanggang makarating kami sa bahay at makaakyat sa taas, hindi pa din siya bumibitaw..

Nung malapit na kami sa kwarto, tinanong ko siya..

“are we really over?” hindi siya sumagot.

Tumingin ako sa kanya, wala pa din siyang sagot pero hawak pa din niya ang kamay ko..

“Dylan, I still—“

“yes, we’re over” sabi niya bago ko matapos ang sinasabi ko.

Huminga ako ng malalim.. at papasok na sana ako sa kwarto ko pero hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.. sa halip, lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak..

Nararamdaman ko na ayaw niya akong pakawalan..

Naghintay ako na may sabihin siya..

Pero wala siyang sinabi at binitawan na niya ang kamay ko..

Kaya pumasok na ako..

Ang hirap pala pag ganito. Lumipas ang mga araw na hindi na talaga kami nag-uusap pero nakikita ko na pinapahalagahan niya pa din ako..

Sa ginagawa niya, parang sinasabi niya na wag ko siyang pakawalan..

At yun ang lalong nagpapahirap sakin.. imbis na makalimutan ko siya, lalo ko lang siyang naiisip.. lalo ko lang siyang nagugustuhan.

I'm Living with Plenty Hot Jerks!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon