eto last na for this day..
---
Gusto ko nang sundan si Dylan nung tumayo at umalis siya..
Pero may pumipigil sakin.
Nag-aalala ako para kay Kathrice, baka mapansin siya ng Daddy niya.
Kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. Nakatitig lang siya pagkain niya at halos hindi man niya kinakain.
“is there any problem Kathrice? Bakit di ka kumakain?” tanong ni Tito
“no I’m just.. I’m just thinking.” Sabi naman niya saka ngumiti.. ngiti na halatang fake.
I don’t think satisfied and Daddy ni Kathrice sa sagot niya, pagkatapos kumain, nag-usap sila sa veranda.
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila.. gusto ko na sanang makisali pero napakawalang respeto naman nun, kaya hinintay ko nalang silang matapos.
Habang nag-uusap sila, nakangiti si Kathrice at parang excited na excited..
Pero nung makaalis na si tito, nabalot na ng lungkot ang mukha niya.. parang gustong gusto na niyang umiyak.
Nilapitan ko siya.
“sa tingin ko kailangan mo nang iiyak yan”
Tumingin siya sakin.. “huh?”
“mabigat yan.. masama kung itatago mo lang, alam kong kanina mo pa gustong umiyak” sabi ko
Hindi siya nagsalita, umupo ako sa tabi niya pero tumalikod ako.
Tapos mamaya, naririnig ko na siyang humihikbi.. para akong sinusugatan..
Ilang minute ring walang nagsasalita.. ilang minute na siyang umiiyak.. at ilang minute na rin akong nasasaktan.
“gusto mo kausapin ko si Dylan?” tanong ko sa kanya
“a-alam mo?”
This time, humarap nako sa kanya bago magsalita..
“I’m sorry, I accidentally overheard you at the garden last night.” Sagot ko pero wala pa din siyang kibo.
“I’m sorry ulit.. sa tingin ko kasalanan ko”
“bakit?” tanong niya
“kung hindi ko sinabi sayo na gusto kita, I don’t think he will brag things about telling everyone”
“no, no, it’s not your fault.. this is all my fault. Sa tingin ko mangyayari at mangyayari pa din to kahit na hindi mo sinabi yun” sabi niya
I feel really sorry for her.
“anyway, about that.. I’m sorry. Kalimutan mo nalang yun” sabi ko.. dahil ayoko ng guluhin ang isip niya
“I’m sorry” sagot niya
“no, I’m sorry.. lalo ko lang ginulo ang sitwasyon eh”
Tumingin lang siya sakin.. yung mga mata niya na may magkahalong sakit at pagkalito.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
“Kathrice, andito lang ako, you can always lean on me.. kahit as friends na lang.. ayokong nakikita kang ganyan, nasasaktan pati ako”
“thank you Cole”
![](https://img.wattpad.com/cover/504946-288-k576114.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Living with Plenty Hot Jerks!
Roman pour Adolescentsone girl and eight hot boys living under the same roof?!