Tuwing sasapit ang gabi...
Sa itinayong mataas na poste nakatayo si Snow... nakatingin sa paligid... nakamatyag...
''Nakilala mo ang pumatay sainyo... Bakit hindi pa natin puntahan at patayin...?"
Wika ni Black...
''Uunahin ko ang mga tauhan niya... ''
Sabay turo niya sa isang lugar...
Lumipad siyang parang papel kasunod si Black patungo sa lugar na itinuro niya...
Isang masayang pamilya ang naglulunoy sa isang swimming pool...masayang tumatawa ang isang batang lalake habang nakasampa sa batok ng ama at sinasabuyan ng tubig ng ina...
''Tatlo ba.?"
Tukoy ni Black sa pulang sinulid... Ang itinatali nila sa daliri ng bawat pinapatay nila...
''Isa lang....''
Tugon ni Snow...
Marahan silang bumaba sa tapat ng magarang gate ng bahay... nasa siyudad iyon...sa isang kilalang subdivision...
Tumunog ang doorbell ng bahay...sumilip sa peephole ang guard...
''Sino sila?...anong kailangan?"
Mabagsik na tanong ng guwardiya...
Isang babaing may karaykaray na isang bata ang bisita nila...
''Gusto kong makausap ang ama ng mga anak ko...''
Wika ng babaing buntis at kabuwanan pa ata...
Kumunot ang noo ng guard...binuksan ang pinto at tiningnan ang babae mula ulo Hanggang paa... At pataas ulit...
''Baliw ka ba?.... Kahit takpan mo ang mukha mo ng unan... Hindi ka sasambahin sa kama ni boss...''
Natatawa pa nitong sabi at isinara ulit ang pinto...
Diniinan ng diniinan ng babae ang doorbell button...
''Bwisit!.... Ano ba!"
Pero pagbukas ng guard ng pinto wala na ang babaing napakapangit ng anyo at ang batang kasama nito...
''Saan nagpunta yun?"
Kakamot kamot sa batok na pagtataka nito at isinara ulit ang pinto...
Nasa loob na ng bahay ang babae at lumapit sa asawa ng lalaking may kinukuha sa kusina...
''Asawa ko rin Ang asawa mo...dalawa na ang anak nmin...''
YOU ARE READING
deal with the devil
Losowewalang natira saiyo...kinuha nila lahat... you have one chance to revenge...but you have to deal with the...Devil...