sino si Strong?

4 0 0
                                    





''Nakikiramay ako sa nangyari sa anak mo...Lester...''





Marahang tumango lang si Lester bago muling tumungga ng alak na laman ng basong hawak nito...




''Lintek na babaing yun...ni ayaw na akong papasukin sa bahay ng asawa ko!"





Galit na wika nito tukoy sa bisitang hindi inaasahan nung isang gabi... ni hindi siya pinayagan ng asawang sumilip sa burol ng anak... Nagkasya na lamang siyang tumingin buhat sa malayo ng libing nito...




''We can find them...just give me information...''




Bumuntong hininga si Lester....





''Hindi ko yun kilala... nung gabing yun ko lang nakita yung mag-inang yun...at saka... boss.... kung makikita mo yung babae... Kahit ata huling  birhen na yun sa lupa hindi mo magagawang tikman.... Ang pangit... Sobra..''





Napangiti ang kausap ni Lester...halata kasi sa hitsura ng lalake ang pandidiri... Ubod ba nman kasi ng ganda ang asawa nito...





''Sino kaya ang nag-utos sa babaing yun?..."





Pag iisip ni Lester...






''Maliit na bagay yan...masyado mong iniisip... mahal ka ng asawa mo...kaunting lambing lang...magigiging okay rin ang lahat...''





Sabay tapik nito sa balikat ng tauhan... kumuha ito ng mamahaling sigarilyo at sinindihan....






''Kumusta ang pinagagawa ko saiyo?"





Tanong nito at lumapit sa bintana... Hinawi ang kurtina at tumingin sa labas...







''Kailangang maghanap pa ng bagong mga tauhan si Mr. Stripes.... Ayaw ng bumalik ng iba dahil sa multo...''





Kwento ni Lester...





Kumunot ang noo ng mamang nagsisigarilyo... pagkuway natawa ng kaunti...






''Multo?.... Wag na kako silang gumawa ng kwento... Bilisan na nila ang trabaho... Multo....kapag hindi nila binilisan yun...sila ang mgiging multo...''






deal with the devilWhere stories live. Discover now