cuatro

1.2K 77 51
                                    

warning: typos and grammar errors ahead.

***

celoah's pov

Bwisit na lalaking 'yon. Sarap sapakin. Puro nalang kalokohan. Nahawa na yata ng tuluyan kay Light na wala ng kahit kaunting katinuan sa katawan. Aish. Bahala talaga sya sa buhay nya. Di ko sya kakausapin.

Lumapit ako sa terrace ng kwarto para isara ang glass door dahil matutulog na 'ko pero laking gulat ko ng may sumulpot sa harap ko.

"Ay! baklang usa." nasapo ko ang dibdib ko sa sobrang gulat. Jusko! Aatakehin yata ako sa puso nito.

"Baby naman, mukha ba akong bakla. Ang manly ko kaya." pinaningkitan ko sya ng mata.

"Manly mo mukha mo. Anong ginagawa mo dito?"

"Baby, gagawa nga tayo." nakangising aniya.

"Putcha ka--- ano ba---mmp?"

"I told, I don't want to hear bad words coming from your mouth. It will be punishable by me if you disobey. Pero kung matigas talaga ang ulo mo, okay lang din. Matamis naman ang punishment ko. Right, baby." aniya ng ilayo nya ang mukha nya sa mukha ko sabay hapit nya sa beywang ko.

Malakas ko syang sinuntok sa balikat na ikinaaray nya. Siraulo. Bigla nalang nanghahalik. Punishment nya mukha nya. Lagi nyang iginigiit yang punishment nyang yan.

"Baby naman, napakabrutal mo sa'kin. Ang damot mo pa sa kiss. Ang sarap kaya."

"Gago--"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng muli lumapat ang labi nya sa labi ko. Hinayupak na lalaking 'to.

"Gusto mo yatang kinikiss kita lagi. Sabagay, irristible naman kasi ang halik ko baby, di ba." idinikit nya ang noo nya sa noo ko.

"Ang kapal ng mukha mo."

"Bati na tayo baby, please. I don't want to end this night na di tayo okay. Please baby, I'm sorry. Gusto ko lang namang magpasuyo sayo. But I ended up na ako ang sumuyo ngayon sayo. But it doesn't mean na nagrereklamo ako. Sige na baby, di tayo matutulog hangga't di tayo nagkakaayos."

Ang drama po nya. But to be honest, kinikilig ako. His always like this kapag may di kami pagkakaunawaan minsan. Hindi nya pinapalampas ang gabi na di kami nagkakaayos. Kahit na minsan alam kong ako ang may kasalanan ay sya ang nagso-sorry.

How lucky I am for having him. We've been together for almost two years pero wala syang ipinagbago. Yong kakulitan lang nya. Ibang-iba sa masungit na Cero noon.

Kahit minsan naiinis ako sa kakulitan nya, mas gusto ko naman kaysa masungita sya. Pero siguro, kahit naman anong ugali nya ay mamahalin ko pa rin sya. Masungit man o makulit. May pms man o wala. Haha.

"You're smiling. Ok na ba tayo baby?" marahang akong tumango. Di ko naman din sya matitiis eh.

Mabilis nyang kinintalan ng halik ang labi ko. Kita nyo tong lalaking to. Sasabihan akong madamot, nakakarami naman sya. Tsk.

"Let's sleep now."

Napakunot-noo ako't inilayo ang aking mukha sa kanya.

"Matutulog na nga dapat ako. Ikaw umuwi ka na."

Agad syang sumimangot. "Dito ako matutulog. Katabi mo."

Napaikot ako ng mata. Ayan na naman sya.

"Para kang walang bahay ah?" ani ko. Ngumiti sya o mas tamang sabihing ngumisi.

"Bahay, meron. Nakatira ako sa puso mo. Yan ang bahay ko." sinundan nya iyon ng kindat. Jusme. Pigilan nyo sya sa kakornihan nya. "Dito ako matutulog, katabi mo."

"Kahit naman sabihin kong hindi, dito ka pa rin matutulog."

He smiled sweetly then planted a soft kiss on my lips. Addict.

"Tara na gawa na tayo." hinawakan nya ang kamay ko at hinila papunta sa aking higaan.

Gamit ang isa kong kamay ay sinapak ko sya.

"Baby, ba't sapak. Kiss dapat." inilayo ko ang aking mukha ng ngumuso sya.

"Puro ka kalokohan, Cero. Pauuwiin kita."

"Di ka naman mabiro. Ang brutal mo talaga baby. Halika na nga, matulog na tayo. Pasalamat ka mahal kita. Kundi asdfghjkxlz."

"Kundi ano?" mataray kong ani. Di ko kasi naklaro ang huling sinabi nya. Ibinulong nya kasi.

"Wala baby, sabi ko 'I LOVE YOU'. Halika na, ipaghehele kita."

Napairap at napailing na lang ako. Napaka-abnormal kasi ng boyfriend ko. Nahawa kay Light na hari ng kaabnormalan. Tsk!

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon