cuarenta y seis

481 34 16
                                    

celoah's pov

Unti-unti akong dumilat ng makarinig ako ng nag-uusap. Nakita ko ang mama at papa ko pati sina Camille, Shanta at Nica.

"Ma!" mahina kong tawag.

"Princess, gising ka na."

Napatingin ako pa silid na kinaroonan ko. Puro puti.

"Ma, nasaan ako?"

Ba't ang bigat ng pakiramdam ko? Bakit parang may masakit? Biglang uminit ang gilid ng aking mata ng may maalala ako. Sana hindi totoo ang nasa isip ko.

"Anak, nandito tayo sa ospital. Nawalan ka kasi ng malay kanina. Kaya ka namin dinala dito." si papa ang sumagot sa tanong ko. Bumangon ako. Pipigilan pa sana nila ako kaso pinilit ko pa ring bumangon.

"Papa, si... si C-cero po." biglang gumaralgal ang ng boses ko ng banggitin ang pangalan nya.

"Anak---"

"Papa... mama, sabihin nyo po sa'kin. Okay lang sya di ba." di ko napigil sa pagpatak ang aking luha. "Mama, sabihin nyo sa'kin. Mama, parang-awa nyo na. Ma... pa, maayos lang sya di ba?" napakapit ako ng mahigpit sa mga kamay nya. "Pa, sabihin nyo please."

"Anak, please huminahon ka." ani mama sa'kin.

"Ma, sabihin nyo muna sa'kin. Parang-awa mo na ma." mas lalo akong di huminahon ng umiyak sya. Pati sina Camille ay nakita kong umiyak na din.

"Ma..."

"Anak, we're sorry. We have to say this kahit alam naming masasaktan ka. Kritikal ang naging lagay ni Cero. Mabuti nalang at nadala agad sya dito sa hospital. Baby, he's in a state of coma. At-- at...

"NOOOOOO!"

Di ko na napigilang maghysterical. It can't be. Magpapakasal pa kami.

"Mama, hindi yon totoo di ba. Papa, nagbibiro lamg kayo. Ma, please."

"Anak! Celoah please, kumalma ka."

"No mama. Pupuntahan ko sya." tinanggal ko ang nakakabit na dextrose sa'kin at bumaba ng hospiral bed. Pilit naman nila akong pinipigilan.

"Mama, please... gusto ko syang makita. Papa... gusto ko syang makita. Parang-awa nyo na po."

"Hija, can you please call the nurse."

Todo ang pagmamakaawa kong dalhin nila ako kay Cero. I want to be with him. I want to see him. Ayokong mawala sya sa'kin. Hindi pwede. Hindi ko kakayanin.

May mga nurse na nasipasukan at pilit nila akong pinabalik sa higaan. Pilit naman akong kumawala sa kanila. Madami silang nakahawak sa'kin pero pinilit ko pa ring makawala. Biglang naramdaman ko na may itinurok sa'kin. At unti-unti ay parang nanghina ako. Ang huling narinig ko ay ang boses ni papa na humihingi ng sorry sa'kin bago tuluyang nagdilim ang aking paningin.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon