celoah's pov
He's suffering from temporary amnesia.
Di mawala-wala sa isip ko ang sinabing iyon sa'min ng doctor kahapon. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Di nya kami kilala. Di nya ako kilala. Di ko nga alam kung paano ko ipapakilala ang sarili ko sa kanya. Lalo na ng tumingin sya sa'kin at di ko makita sa mata nya yong mga mga tingin na lagi nyang ibinibigay sa'kin. Kahit alam kong pansamantala lang ay mahirap para sa'kin. Pero alam ko ring mas mahirap sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit pinaglalaruan kami ng ganito. Bakit?
"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?"
Kahit alam ko kung ano ang kasagutan sa tanong ko ay gusto ko pa ding itanong sa kanya. At ng umiling sya bilang tugon ay di ko maiwasang di masaktan.
"Who are you?"
Gusto kong maluha sa tanong nyang iyon pero pinipigil ko lang. Paano ko ipapakilala ang aking sarili sa kanya.
"Celoah." mahinang sambit ko sa pangalan ko.
Nangunot ang noo nya na parang pilit inaalala kung sino ako.
"Celoah?" patanong nyang ulit.
Marahan akong tumango.
"Your bestfriend." ani ko. Gusto kong sabihin sa kanya kung sino pa ako sa buhay nya pero parang ayaw lumabas sa bibig ko ang mga salitang gusto kong sabihin.
Matamang tingin ang ibinigay nya sa'kin. Mapait akong napangiti. Nasaan na yong mga tingin na puno ng pagmamahal na lagi kong nakikita. Bakit kasamang nawala ng alaala nya?
Sana nga ay pandalian lang. Sana ay maalala na nya ako agad at kung sino ako sa kanya. Sana maalala nyang ako ang babaeng mahal nya at dapat ay papakasalan nya.
Napalingon ako sa may pinto ng may kumatok. Tumayo ako't lunapit doon para ito'y buksan. Napangiti ako ng mga magulang nya ang bumungad sa'kin. Niluwagan ko ang pinto para sila'y makapasok.
"Good afternoon po, tita at tito." magalang kong bati.
Nagkatingin sila saka bahagyang ngumiti sa'kin. Lumapit si tito kay Cero at kinausap ito. Naiwan kami ni titang nakatayo malapit lang sa pinto.
"Dapat, mom at dad na yong tawag mo sa'min. O di kaya ay mama at papa." ani tita.
Napalingon ako kay Cero na nakatingin sa'min. Alam kong di nya narinig ang sinabi ng mommy nya dahil medyo mahina lang ang pagkakasabi nito.
"Hindi mo ba sinabi sa kanya?" tanong nya. Umiling ako. Alam kong ang tinutukoy nya ay ang tungkol sa amin ng anak nila.
"Bakit hija?"
"Saka na lang po." ani ko at pilit ngumiti.
"Mukhang pagod na pagod ka na. Kailangan mo munang makapagpahinga." may himig pag-aalalang ani tita.
Marahan akong tumango.
"Uhm! Hinintay ko lang po kayo para magpaalam na uuwi muna ako saglit. Babalik din naman po ako agad."
Gusto ko kasing mag-isip muna saglit. Makapag-isa. Ang sakit-sakit kasi sa pakiramdam at ayaw kung ipakita iyon kay Cero.
"O sige, hija. Pasensya na't natagalan kami. Nag-iwan kang mag-isa lang na nagbabantay dito."
"Nako, wala pong problema sa'kin yon. Gusto ko pong ako ang nagbabantay sa kanya. Kailangan ko lang pong makaligo at makabihis. Babalik din po ako agad." yon nalang ang sinabi ko kahit di naman talaga yon ang totoong dahilan.
"O sya, ma-ingat ka sa pag-uwi hija. Maraming salamat anak ha, maraming salamat dahil di mo iniwan ang anak namin. Salamat sa pagmamahal mo sa kanya."
Kimi akong ngumiti. Niyakap nya ako kaya gumanti din ako ng yakap sa kanya. Saka na ako nagpaalam. Nagpaalam na din ako kay Cero. At di ko na naman maiwasang di masaktan ng tango lang ang itinugon nya.
Paglabas na paglabas ko ng private room ay agad nagsipatakan ang luhang kanina ko pa pinipigil.
Ang bigat sa pakiramdam. Sobrang bigat. Bakit ganon? Yong alaala lang nya ang nakalimot pero bakit pakiramdan ko ay pati ang puso nya.
Bakit parang pati yong pagmamahal nya sa'kin ay nakalimutan nya?
![](https://img.wattpad.com/cover/83699517-288-k190737.jpg)
BINABASA MO ANG
unexpected [bestfriend sequel]
Truyện Ngắn[unexpexted • bestfriend's sequel] • In which their almost perfect relationship takes into an unexpected turns. Changes is bound to happen. Will they still be together till the end and will their love still remains the same? Highest Rank: #9 in Shor...