warning: typos and grammar errors ahead.
***
cero's pov
Napapangiti at napapailing nalang ako habang pinamamasdan syang tumitingin sa mga spongebob stuff toys. Grabe ang pagka-addict nya sa esponghang yan. Mukhang kahit kailan ay di nya yata pagsasawaan. Parang mas magsasawa pa sya sa mukha ko kaysa sa bungal na si spongebob. Kung tao lang yan ay baka pinapalit nya na'ko. Tss! I will not let that happen.
"Miss, I'll take this." itinuro nya sa nakabantay na saleslady yong napili nya pero mukhang di sya narinig nito at di ito sa kanya nakatingin. Parang sa'kin. Nakangiti pa.
Nako, patay kang tindera ka.
"Hey! miss." untag nya muli dito may iritaayon na ang tono.
"What?"
Napakunot-noo ako sa magaspang na pagtugon ng saleslady sa kanya.
"Ow! I'm sorry. Did I disturb you? Akala ko saleslady ka dito. Trabaho mong i-assist ang costumers nyo. Mukhang iba yata ang gusto mong asistehin, miss." sarkastikong sabi Celoah sa saleslady. Lumapit na ako sa kanya. Halata kasi ang biglang pagkairita nya. Baka kasi magkagulo pa.
"Baby, bayaran nalang natin 'yong napili mo." untag ko sa kanya. Sinamaan nya lang ako ng tingin saka bumaling uli sa saleslady na ngayon ay nakayuko na.
"Gusto mo ipakilala kita sa kanya?" malditang aniya dito.
"Baby, tara na. Hayaan mo na sya." hinawakan ko ang kanya nya at hihilahin sana sya paalis kaso marahas nyang tinabig ang kamay ko. Aish! Mahirap pa naman sawayin 'to. Masyadong matigas ang ulo.
May lumapit na supervisor. Nakita ko kasi ang nakalagay sa nameplate nya.
"Ah! ano pong nangyayari dito?" magalang nyang tanong. Mas lalong napayuko ang saleslady.
"Yong 'TINDERA' nyo. Kulang sa briefing. Hindi yata na orient ng tama tungkol sa trabaho nya. Pakisabing ayusin nya yong trabaho nya at ang pakikitungo nya sa costumer nya. Hindi yong parang ang kasama ko ang gustong trabahuin nya."
"Baby, enough." kalmado kong saway sa kanya.
"Pasensya na po, ma'am. Pagsasabihan ko po. Paumanhin talaga." sabi ng supervisor pagkatapos ay sinabihan ang saleslady na umalis. "May maitutulong po ba ako?"
"No, thank you. Nagbago ng isip ko." halata pa rin ang iritasyon sa boses nya at sa bigla nyang pag-alis. Iniwan pa nga ako.
Humingi muli ng paumanhin ang supervisor at gayun din ako saka nagmadaling sundan si Celoah. Sa bilis nyang maglakad ay sa parking area ko na sya naabutan. Base sa pagkakasimangot at pagkakakunot-noo nya ay halatang mainit ang ulo. Meron siguro sya ngayon. May pms. Mahirap pa naman paumuin sya pag ganon. Sobrang bugnutin. Ang bilis mag-init ng ulo.
"Baby." tawag ko sa kanya at akmang hahawakan pero agad syang umiwas. Hay! pati tuloy ako ngayon nadamay sa init ng ulo nya. Pero kaya ko namang syang pakitunguhan kahit gaano pa kalala ang mood swings nya. Kahit na pagmalditahan nya pa ako ng sobra ay titiisin at pagpapasensyahan ko sya. That's how much I love her. Kaya kung tiisin ang lahat para sa kanya.
"Gusto ko ng umuwi. Kung ayaw mo pa, magtataxi nalang ako." malamig nyang sabi. Maglalakad na sana sya paalis pero agad kong hinagip ang kamay nya at niyakap sya mula sa likod. Hindi naman sya nagpumiglas at di din umimik.
"Baby, ihahatid kita. But let's not go home like this. Alam mo namang, ayaw na ayaw kung nag-aaway tayo. Pati ba sa'kin galit ka. Wala naman akong kinalaman don sa saleslady ah."
"Anong wala? Nagpapogi ka yata sa pangit na babaeng yon kaya ngiti ng ngiti sayo."
"Baby, hindi ah. Bakit ako magpapapogi sa kanya, eh inborn na tong kagwapuhan ko." i heard her tsk-ed and it made me smile. "At isa pa baby, wala akong pakialam sa kanya kasi sayo lang ako may pakialam. Di ko nga napansin na nakatingin sya sa'kin kasi all the time ay nasayo lang ang atensyon ko. Baby, bakit ako titingin sa iba kung ang lahat ay nasayo na. Sobra pa sa hinihiling ko. Baby, lagi ko itong sinasabi at gusto kong sabihin muli ngayon sayo. At gusto ko na palagi mong tatandaan. You're my world Celoah and you are my everything. You are my life. Only you. I don't need anyone else. I am yours... mind, heart body and soul. Please keep that in your mind and in your heart baby."
Sabihin man akong korni, wala akong pakialam. Nagmamahal lang ako.
Nakanguso syang humarap sa'kin saka ako niyakap.
"Alam ko naman eh. Ramdam ko. I'm sorry sa inasal ko. I just can't control myself for bursting into anger. Sorry. And thank you for everything Cero. Thank you. I love you."
I smiled widely upon hearings those words. Just those words, sapat na para mapuno ng saya ang puso ko.
"I love you more than most, Celoah."
Biglang narinig ko ang pagtunog ng tyan nya. I bit my lower lip para mapigil ang pagtawa. Baka magbago na naman ang mood. Mahirap na.
"Baby, gutom ka na. Kumain muna tayo."
Kumalas naman sya ng yakap sa'kin at ngumuso. Jeez! She's really cute when she pouts. I could kiss her. Pero di ko gagawin yon dito sa public place.
"Sa bahay nalang namin. May niluto kaninang umaga si ate Len na pork-chicken adobo bago tayo umalis."
"Wow! paborito ko. Pero mas gusto ko pag ikaw ang nagluto para sa'kin." ani ko. Niloloko lang naman sya. Alam kong di sya mahilog magluto.
"Oo, kasing kulay ni Sky ang ipapakain ko sayo. Sunog." natawa ako sa sinabi nya.
Pag kumain si Sky ngayon, malamang nabilaukan na yon. Napaka-bad ng baby ko. Hindi lang ako ang nilalait, pati pa mga kaibigan ko. Pero kahit ganon, still... I love her. At di na mababago yon.
BINABASA MO ANG
unexpected [bestfriend sequel]
Nouvelles[unexpexted • bestfriend's sequel] • In which their almost perfect relationship takes into an unexpected turns. Changes is bound to happen. Will they still be together till the end and will their love still remains the same? Highest Rank: #9 in Shor...