cuarenta y cinco

576 36 37
                                    

celoah's pov

Di ko maipaliwag ang kabang sobrang nararamdaman ko ngayon. At the same time, masaya ako at excited. Ganito ba talaga pag ikakasal? Ngayon na yon araw na yon. Ilang oras na lang ay ikakasal na ako sa lalaking pinakakamahal ko. Ilang oras nalang magiging Celoah Han na 'ko. Gosh! di ko iniexpect na ganito ako kaaga maikakasal.

Ang bilis na lahat ng pangyayari. Parang kelan lang ng bumalik ako dito sa Pilipinas at sa araw na yon mismo nagtapat sya sa'kin. Nagtapat ang sya sa'kin. That day din, kinuha nya ang first kiss ko. At sa araw na din yon, sinabi nyang liligawan nya ako. And on that day of his birthday, sinagot ko sya. We became official and now after two years na parang buwan lang ang dumaan ay ikakasal na ako sa kanya. Ikakasal ako sa knight in shinning armor ko... sa bestfriend ko... sa lalaking tanging minahal at mamahalin ko.

Pinangarap kong dumating ang araw na uto na maikasal sa kanya at ito na nga.

"Princess."

Agad akong mapalingon sa may pintuan. Napangiti ako nakita ang mama at papa ko. Lumapit silang pareho sa'kin. Si mama ay umupo sa tabi ko at si papa ay nanatiling nakatayo sa harap namin.

"You're so beautiful, anak." komento ni mama at hinawakan ang kamay ko.

"Thank you, ma."

"I still can't believe. Ganito kaagang maikakasal ang prinsesa namin. Parang kelan lang nong ipinanganak kita. Parang kelan lang nong kalong kita lagi. Ang bilis. Now, our princess will be someone's queen. Hindi madali sa'min ito anak pero hangad namin ang kaligayan mo. And we know, maibibigay ni Cero yon sayo. Alam din namin maalagaan ka nya gaya ng pag-aalaga namin sayo. Always remember Celoah, baby ka pa rin namin kahit na ikasal ka na."

Kimi akong ngumiti at niyakap si mama. "Kahit na mag-edad 100 na ako ma, ako pa rin ang baby nyo."

"Kahit na umabot pa ng isang libo." bahagya akong natawa sa sinabi nya.

"Nagdrama pa itong mag-ina ko. Baka di na tayo makapunta nito sa simbahan." pabirong ani papa. Natawa ako sabay tayo at niyakap sya. ganon na din ang ginawa ni mama.

"You'll always be our princess kahit na ikasal ka na kay Cero. Habang buhay kang magiging prinsesa namin." aniya

"I love pa. Kayo ni mama. Mahal na mahal ko kayo."

"We love you too princess." tugon nilang dalawa at nagyakapan kami.ng mahigpit. Kung di pa kumatok ang coordinator ng aking kasal para ipaalam na kailangan na naming pumunta ng simbahan ay di pa kami matitinag.

Naka-antabay sa'kin ang stylist ko habang papalabas kami ng bahay at sumakay na sa wedding car.

Habang nasa byahe ay nag-uusap kami nina mama at papa. Natigil lang ng makarating na kami sa simbahan. Muling bumalik ang todong kaba ko.

Ito na yon. Nandito na kami sa simbahan. Wala na itong atrasan.

Bumaba ng kotse si papa at naunang pumasok sa loob. Hihintayin pa namin na signal ng coordinator kung magsisimula.

Mga 20 minutes na ang lumipas ay nagtaka si mama kung bakit di pa rin nagsisimula. Nakita naming papalapit si papa sa'min na ibang-iba ang aura keysa kanina.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng ibang klase ng kaba. Binuksan ni mama ang pinto ng tuluyang makalapit si papa.

"Hon, bakit di pa nagsisimula?" tanong ni mama sa kanya.

Ayaw kong isipin pero habag ang nakikita ko sa ekspreayon ni papa. Sana naman mali lang yon nakikita ko.

"Anak, hindi na makakarating si Cero."

Nalilito ako. Di ko maintindihan ang kanyang sinabi. Ayaw magsink-in sa utak ko. Pakiramdam ko bigla ay sasabog ang utak ko.

"Anong ibig mong sabihin hon?" ramam ko ang taranta sa boses ni mama.

Nag-iinit na yong gilid ng mata ko.

Hindi. Please, wag.

"Anak, wag kang mabibigla." mataman kong tiningnan si papa. Konti na lang ay huhulagpos na ang luha sa mata ko. "Nadisgrasya ang kotseng sinasakyan ni Cero. Malala ang pagkakabangga sa kanya."

Doon na tuluyang pumatak ang luha ko. Naramdam ko ang pagyakap ni mama sa'kin.

Hindi.

Hindi maari. Panaginip lang to. Hindi pwede. Ikakasal pa kami. Hindi sya pwedeng mawala sa'kin.

Hindi.

unexpected [bestfriend sequel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon