cero's pov
Di ko mapigilang mapangiti ng malapad. Minsan lang nagiging sweet si Celoah ngayong buntis sya. Kadalasan bugnutin at nagtataray. Naiintindihan ko naman. At kahit pa gagaano kalala ang mood swings nya ay hindi ako magsasawang intindihan sya. Alam kong di madali ang pagdadaanan nya ngayon buntis sya. Yon lang naman ang pinakawastong dapat kong gawin. Ang intindihin at pagsibilhan ang asawa ko. I love her so much and I'm loving her even more now that she's bearing our first baby. Sinisiguro kong hindi magbabago yon.
Sobrang kompleto na ng buhay ko. Sya ang bumuo nito. Pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasaya at pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo. Having her as my wife and the mother of my future kids is the greatest gift I ever have. I could not ask for more. Walang kapantay na halaga ang pinakamagandang regalong naibigay sa'kin. Kaya araw-araw akong inspirado. Kahit na kulang-kulang pa ako sa tulog dahil sa cravings ng asawa ko ay masaya pa rin ako. Simpleng ngiti nya lang okay na okay na ako. Kaya din excited akong umuwi agad after classes dahil namimiss ko sya. Kung pwede nga lang na di na ako pumasok para lagi lang akong nasa tabi nya at maalagaan sya. Pero kailangan ko ding magpursige para sa future namin at sa mga magiging anak namin.
"Lapad ng ngiti ah." nabalik ako sa reyalidad ng narinig ko ang boses ni Light. Biglang sumulpot tong mga to.
"Ikaw ba naman may inuuwian na misis araw-araw, di ka ngingiti ng ganyan. Dude, ginagawa nyo pa rin ba?"
Tinaliman ko ng tingin si Sky. Alam kong ibig nyang sabihin. Matalino kaya to kaya gets ko.
"Hindi ako manyak tulad mo."
"Asus! Kunyari ka pa. Kaya nga buntis ngayon si Celoah dahil isa ka ding malibog na nilalang. Saan ka pala pupunta? Bakit mukhang nagmamadali ka?"
"Uuwi."
"Na naman. Sabagay. Pag ikinasal kami ni Nica, di ko rin yon titigilan kahit--- Ouch! Wifey. Hi! Saan ka galing?" bigla ding sumulpot sina Nica at nadinig ang pinagsasabi ni Sky kaya binatukan nya ito. Buti nga sa kanya.
Nagpaalam nalang ako sa kanila at di na sila inintindi. Kailangan ko ng makauwi. Naghihintay ang misis ko sa'kin. Ayaw pa naman non ng pinaghihintay at di ko din naman ginagawa yon. Sinisiguro kong nasa kanya pa rin ang lahat ng oras ko kahit na busy pa ako sapag-aaral.
Pagkarating ko sa parking lot ng eskwelahan ay agad akong lumapit sa kotse ko at sumakay. Habang papauwi ay may nadaanan akong cake shop kaya sumaglit ako at bumili ng strawberry cheesecake. Yon kasi ang paborito ni Celoah.
Ilang minuto lang ang nakarating na ako sa bagong bahay namin. Ang bahay na iniregalo ng magulang ko. Di pa sana kami lilipat dito dahil di pa nga dapat kami magsasama ni Celoah pero dahil sa nangyari ay pinayagan na kaming magsama. Ang saya ko non. Finally! I'll be living with my wife. Katabi ko syang matulog at sya ang bubungad sa'kin everyday I wake up. It was always the best feeling whenever I woke up na ang maganda nyang mukha ang nakikita ko agad.
"Baby, I'm home."
Nilakasan ko ang boses ko para marinig nya. Pero walang sumagot. Narinig kong parang may kumalabog sa kusina kaya bigla akong nataranta. Nilagay ko sa couch ang mga dala ko at tumakbo sa kusina.
Natigilan ako sa nakita ko.
My wife.
Flour is all over her face and in her hair. Pati sa damit nya.
"Baby, what happen?"
Nakanguso syang tumingin sa'kin. Gusto kong mangiti sa itsura nya pero pinigil ko dahil baka awayin na naman ako.
"I tried to bake some cake, pero di ko alam kulng paano. Natapon ko yong flour." para na syang maiiyak habang sinasabi yon.
Lumapit ako sa kanya't pinunasan ang mukha nya ng panyong galing sa bulsa ko.
"Baby, hindi mo ba kailangang pagurin ang sarili mo. I brought you your favorite strawberry cheesecake kaya di mo na kailangan magbake."
Agad nag-aliwalas ang mukha nya at nginitian ako.
"Really!"
Tumango-tango ako habang nakangiti.
"Yes. Nandoon sa living room."
"Yes! Your the best, baby. I love you." aniya at bigla akong kinintalan ng hinalikan sa labi.
"I love you more, baby." this time, ako naman ang humalik sa kanya. A passionate one. Gusto kong iparamdam sa kanya ang buong pagmamahal ko sa pamamagitan ng halik. Ang walang katapusan kong pagmamahal sa kanya.
"Let's eat the cake." aniya ng humiwalay sya sa halik ko. Bahagya akong nadismaya. Gusto ko pa sanang patagalin yon eh. Nakaka-addict kasi ang labi nya. Parang drugs. Hinahanap ko lagi.
"Yes! After it, ikaw naman ang kakainin ko." biro ko sa kanya. Pinanlakihan nya ako ng mata.
"Joke lang baby. Hehe!" hinalikan ko sya sa ulo bago ako kumuhan ng palito, tinidor at cake knife.
"Kamanyakan mo." aniya't nauna ng lumabas ng kusina.
Napanguso naman ako. Hindi ako manyak. Sadyang mahirap lang syang i-resist. Kung sino man ang makapag-asawa ng kasing-ganda at kasing sexy ng baby ko, siguradong maiintindihan ako.
Dadami ang anak nyo. Haha!
I can say that I am so lucky and happy with my life. It's all because of my bestfriend, my baby, my wife. She is my life. Sya na ang lahat.
Sino nga ba namang mag-aakala na ang batang babaeng tinulungan ko noon mula sa mga nambully sa kanya doon sa park na paborito kung puntahan ang sya palang nakatadhana na bumuo sa'kin.
Ang masasabi ko lang, minsan... unexpected things are the best things that happened. The proof is on me. Everything is unexpected, but are the best thing in my life that ever happen to me.
--💓end💓--
BINABASA MO ANG
unexpected [bestfriend sequel]
Short Story[unexpexted • bestfriend's sequel] • In which their almost perfect relationship takes into an unexpected turns. Changes is bound to happen. Will they still be together till the end and will their love still remains the same? Highest Rank: #9 in Shor...