"Micah, gumising ka na! May pasok ka pa." malakas na sigaw ng nanay ni Micah.
Kinusot kusot naman ni Micah ang kanyang mga mata at pagkadilat niya ay may nakadungaw na sakanyang isang babae.
Maganda ito at kasing edad lang ni Micah. Simula pagkabata ay nakikita na ni Micah ito. Tinuring na rin niya itong kaibigan. Alam niya din na hindi ito tao.
"Ano ka ba naman Jana, lagi ka nalang nanggugulat e." sigaw ko sakanya.
"Excited na kasi ako e, gusto kong makita kung ano ang hitsura ng pag-aaralan mo ng kolehiyo. " Nakangiting wika nito.
"Sige na, maliligo lang ako. Huwag ka susunod nanaman sa banyo. Okay?" pagbabanta ko. Gawain niyang sumunod sa banyo e.
Habang naliligo ako ikwekwento ko muna kung paano ko nakilala si Jana.
3 am ng madaling araw noon bata pa ako. Nagising ako dahil sa isang tunog na nanggaling sa pintuan. Nilingon ko ang pintuan at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nakabistida siya nasisinagan ng buwan at may bahid ng dugo ang maputing damit niya. Meron siyang hawak na isang bagay. Isa iyong larawan.
Nung una syempre natatakot pa ako sakanya. Pero di kalaunan ay nawala na ito. Naglakas na ako ng loob na kausapin ito.
Hanggang sa nakapalagayan ko na siya ng loob. Nagbago na din ang anyo ng damit niya. Wala na itong bahid ng mga dugo. Maganda si Jana. Masiyahin siya. Ang hindi niya lang naikwento sa akin ay kung ano ang naroon sa larawan na nakita ko noong una ko siyang makita. Ngayon ay hindi ko na nakikita na hawak niya pa ang larawan na iyon.
Pero isa iyong babae na hula ko ay kanyang kakambal na kapatid dahil sobrang magkamukha sila, magkaakbay sila ni Jana doon at ang isa ay isang lalaki na hula ko ay kaniyang ama.
Tuwing babanggitin ko ang tungkol doon sa litrato ay biglang malulungkot ang kanyang hitsura.
So ayun. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na din ako at nag-ayos.
Nasaan nanaman kaya yung babaeng yun. Napaka gala talaga.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa sala. Nakita ko naman si Jana na nandoon na at kinakain yung kaluluwa nung pagkaen or yung amoy nito. Palagi kasing merong itinatabi si mama na pagkain. Hindi ko alam kung nakakakita din siya o nakikita niya si Jana.
Tumingala naman si Jana at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko naman siya pabalik.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako kay Mama.
Nilakad lang namin papuntang paaralan dahil malapit lang naman ito sa amin. Binasa ko ang nakasulat sa harap nito.
SOULS ACADEMY
yan ang nakasulat. Napaka weird na pangalan para sa isang university.
"Wow, ang ganda naman ng pangalan ng paaralan mo Micah. Bagay pala sa akin ito dahil isa lang akong kaluluwa." Nakangiting sambit niya sa akin.
"Oo nga no, baka naman maraming multo dito kagaya mo or siguro mukhang multo yung may-ari ng University na ito." pabiro kong litanya sakanya. Natawa din naman siya.
BINABASA MO ANG
Who are you
TerrorAlas tres na ng madaling araw. Madilim sa loob ng iyong kwarto pero nakikita mo na may isang tao na nakatayo sa iyong pintuan. Makikita mong isang babae ito na nakadamit ng puro puti ngunit may mga bahid ng dugo. Sa ilang minutong pagtingin mo rito...