Pagkatapos ng mga nalaman ko sa kapitbahay ay hindi na ako matahimik.
Kailangan kong makapunta sa bahay ni Hiro o kahit si Dianne. Sana sa pagkakataong ito ay maging totoo sila sa akin.
Pero paano ko gagawin yun kung ayaw akong palabasin ni Mama. Kapag magpapalusot ako ay sasabihin niya na siya na ang gagawa.
Kailangan kong tumakas.
Tatawagan ko si Hiro. Magpapasundo ako sakanya. Hindi ko alam kung dapat ko siyang pagkatiwalaan dahil na din sa babala ni mama pero wala akong pagpipilian.
Kailangan kong mag take risk.
Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ni Hiro. Akmang iprepress ko na ang call button ay bigla may pumigil sa akin.
"A-ate Jena" lumingon ako sa katabi nito "Ate Jana".
"Micah, kung dahil lang to sa curiosity mo ay sasabihin namin ang nalalaman namin. You don't need to call that Demon Child." sabi ni Ate Jena.
Hindi ako nagsalita. Inaantay ko ang kasunod na sasabihin ni Ate Jena.
"Natuklasan ko ito dahil minsan akong napadpad sa pinag aaralan mo. Nagmanman din ako. Pero hindi lang ako. Hindi ko alam na nakasunod din pala si Mom sakin." napabuntong hininga siya at tinuloy ang sasabihin.
"Nahuli nila ako habang sinisilip ko yung ginagawa nilang ritual. Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si Mom. Dun ko nalaman na sinundan niya ako. Kung hindi dahil sakin ay hindi sana siya masasapian ng demonyo. Nakatakas kami pero huli na dahil nasugatan nila si Mom at nakakuha sila ng dugo niya. Ginamit nila yung dugo niya para maging daan para mapasukan siya ng masamang nilalang. I'm sorry Micah. Please huwag mo nang ituloy ang iniisip mo." she said emotionally.
Kwinento sa akin lahat ni ate Jena at nagulantang ako sa lahat ng nalaman ko.
Kaya pala nagtatabi si Mom palagi ng pagkain dahil hanggang ngayon ay alam niyang nandiyan lang sila at sinisisi din niya ang sarili niya sa pagkamatay ni Dad, Ate Jena at Ate Jana.
Ang souls academy na aking pinapasukan ay pinamumugaran pala ng mga demonyo at dito dinaraos ang mga ritwal nila. Ama ni Dianne ang may-ari ng paaralan na ito at pinsan niya si Sam. Si sir Jimenez na karelasyon ni Sam ay ang kanyang ama din.
At kaya pala ganun ang ginawa ni Sam ay inilayo lang din niya si Brian sa ama niya para maprotektahan ito pero iba ang pagkakaintindi ni Brian.
Sinapian siya ng araw na iyon ng demonyo kaya malakas niyang naitulak si Brian dahilan upang mamatay ito.
Simula sa pagkamatay ng guro at ang itim na kaluluwa na kumain sa kaluluwa ni Sir at ang itim na bata sa bus, ang itim na entity sa baguio pati na ang nakita namin sa dorm na akala ko si Mama at kay Ate Jena sa tingin ko ay iisa lamang sila at nagpapalit palit lamang ito ng anyo.
Pero bakit napakagaling magtago ni Hiro at Dianne. Bakit ang galing nilang magtago na wala silang alam. Ang galing nilang magpanggap.
Si Hiro. Anak siya ng kapitbahay namin. Kaya pala may konting resemblance siya sa kanyang ina.
Gumagawa rin sila ng ritual sa loob sa ilalim ng bahay nila patunay na lamang ng nakita ko.
BINABASA MO ANG
Who are you
TerrorAlas tres na ng madaling araw. Madilim sa loob ng iyong kwarto pero nakikita mo na may isang tao na nakatayo sa iyong pintuan. Makikita mong isang babae ito na nakadamit ng puro puti ngunit may mga bahid ng dugo. Sa ilang minutong pagtingin mo rito...