Kabanata V - The Soldier/s

1.2K 49 6
                                    

Nandito na kami ngayon sa Botanical Garden.

Nag-iikot ikot kami at nagpipicture na rin dahil maganda naman talaga ang lugar.

"Micah, doon tayo oh sa Cave." pag-aaya ni Hiro.

Tinignan namin sa gilid sa may bungad ang map para sa cave. Pagkatapos ay nagsimula na kaming pumasok.

Alanganin pa akong pumasok dahil parang may kakaiba akong naramdaman.

Madilim at may mga malalaking butas sa bawat gilid nito. Maputik din dito.

Mabigat sa pakiramdam at parang ang hirap huminga dito sa loob ng cave.

Nasa hulihan ako nasa harapan ko naman si Hiro. Nasaan nanaman ba si Jana?

May mga ibang tao rin dito na nakakasalubong namin.

Ng makarating na kami sa bandang gitna ay may nakita kaming parang pataas siya na hagdan. Aakyat dapat si Hiro pero maputik doon kaya hindi na niya tinuloy. Nagpatuloy na siya muli sa paglalakad.

Naiwan muna ako saglit doon at tinignan kung anong meron sa pataas noon dahil napakadilim talaga. Ini on ko ang flashlight ng cellphone ko at tinignan ito.

Muntik ko ng mahulog yung cellphone ko ng may makita akong isang pigura ng lalaki doon. Nakadamit siya ng isang pang sundalo. Nakaupo ito pero hindi sa direksyon ko kundi nakatagilid siya.

Ibinaba ko ang cellphone ko at pinatay ang flashlight. Akmang susundan ko na si Hiro ng makita kong napakaraming sundalo ang nandito. Nakahandusay ang iba. Ang iba ay duguan at ang iba ay walang ng ulo at kulang kulang na ang ibang parte ng kanilang katawan.

Nakita ko si Hiro sa di kalayuan at may mga studyante din na kasamahan namin ang naroon. Kaya nagmadali ako na makapunta doon pero nagulat ako ng lahat ng sundalong iyon ay sabay sabay na lumingon sa direksyon ko.

Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko at nahihirapan na akong huminga dahil dito. Nagsisitayuan na rin ang mga balahibo ko dahil nakakatakot talaga ang mga ito.

Nilakasan ko ang loob ko para magtuloy sa paglalakad ng hindi pinapansin ang mga iyon pero nakasunod parin sila sa akin.

Ng malapit na ako sa kinaroroonan ni Hiro ay biglang lumabas sa isang butas sa gilid ang isang batang lalaki.

S-siya yung sa b-bus.

Mas tumingkad ang mapupulang kulay ng mga mata niya dahil nasa madilim ito.

Nakakatakot ang hitsura niya. Mas nakakatakot ito ngayon.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Inuunahan ako ng takot.

Takot. Tama. Kung mas lalo kong ipapakita na takot ako sakanila ay mas magiging malakas sila. Dapat ay ikalma ko ang sarili ko at isipin na hindi sila nakakatakot. Hindi nila ako masasaktan. Mas malakas ako dahil buhay ako. At sila patay na sila. Mas malakas ako.

Pinikit ko ang mga mata ko at kinalma ang sarili ko. Nang dumilat ako ay wala na ang mga ito. Tama ako. Kapag takot ka mas lalo ka nilang tatakutin.

Mabilis akong naglakad para habulin si Hiro. Pero nakakakita na ako ng liwanag palabas. Nasa labas na siguro siya.

Nasa labas na nga siya. Hindi man lang ako hinintay.

Who are youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon