Nagising ako sa isang malakas na kalabog na narinig ko. Tinignan ko ang oras at alas tres ng madaling araw palang.
Bumangon ako at bumaba sa kama. Kinukusot kusot ko pa ang mga mata ko dahil ramdam ko parin ang antok.
Pumunta ako sa kusina na medyo malabo pa ang mata dahil sa inaantok pa ako. May naaninag naman akong isang bulto na nakatayo at nakaharap sa akin.
Nawala yung antok ko at biglang luminaw sa akin kung sino ang lalaking iyon. Yung tatay ni Jana? Bakit ang sama din ng tingin sa akin kagaya ng sa kakambal ni Jana.
Tumaas baba ang dibdib ko ng marahan dahil sa malakas na paghinga ko. Papalit siya sa akin. Lumalapit siya sa akin ngunit ang mas napansin ko ay ang nasa kamay niya. Isang litrato? Apat na sila doon. At may isang babae. Siguro asawa niya iyon ngunit parang may kamukha siya.
A-ano bang nangyayare?
Akmang sasakalin ako ng lalaki ay iniharang ko kaagad ang mga kamay ko. Ngunit nakikita ko parin ang mga paa ng lalaki at parang pamilyar sa akin ang sapatos na nakikita ko.
Narinig ko namang may papalapit ulit na isang yabag. Hindi ko magawang lumingon. Natatakot ako. H-hindi ko alam ang gagawin ko.
"Micah, harap ka sa akin. Mabait si Ate. Haharap na yan." Malambing na wika ng isang tinig ng babae na kaboses ng kakambal ni Jana.
Tinignan ko ang lalaki kanina at nakangisi ito ng mala demonyong ngiti.
Naaagnas na ang katawan ng lalaking iyon ngunit sa parting tiyan lang nito at mga hita dahil may laman laman pa ang ibang parte nito ngunit makikita mo sa may bandang naaagnas at may butas butas na ay naka usli ang mga buto nito. Nakakadiri at nakakatakot.
Unti unti kong hinarap ang kaboses ng kakambal ni Jana at nagulat ako ng bigla akong sinakal nito kaya napahiga ako ngunit hindi parin natatanggal ang pagkakasakal niya sa akin.
H-hindi na ako m-makahinga.
"Tulong Jana, t-tulong" mahinang sambit ko at nakita kong paparating nga ito.
"Ama, aking kapatid. Itigil niyo iyan. Walang kasalanan si Micah sa nangyari sa atin. Pakiusap ama, Jena kakambal ko. Maawa ka." sabi ni Jana pero unti unti ng nanlalabo ang mga paningin ko then *black out*.
-
"Micah, gumising ka. Micah. Bakit ka nakahiga sa sahig? Anong nangyari sa'yo? Okay ka lang ba?" sunod sunod na tanong ni Hiro.
Naalala ko naman ang nangyari kagabi kaya agad akong napatayo at lumingon sa paligid. Nakita ko si Jana at ngumiti ito na may lungkot sa mga mata at parang naaawa sa akin.
Tinignan ko naman si Hiro at nag-aalala ang mukha nito.
"Okay lang ako Hiro. Anong oras na?" takang tanong ko.
"4:20 am. Magready kana. You sure? Okay ka lang ba talaga?" tanong ulit nito.
"Oo nga Hiro. Huwag kang mag-alala. Ayos lang ako." Pagkasabi ko non ay nagpaalam na ako para maligo.
Habang naliligo ay napaisip ako. Ano ba talaga ang kasalanan ko sa pamilya ni Jana? Bakit sila ganon sa akin.
Tanungin ko kaya si Mom? May alam kaya siya. Pero imposible iyon.
Haaays.
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako dito sa loob ng cr.
Tinitigan ko ang repleksyon ko at mababakas mo doon na namumula ang leeg ko. At bakas ang mga kamay dito.
Naglagay ako doon ng scarf at lumabas na ng banyo.
-
"Tara na Micah, andyan na sa labas yung mga bus." Pagtawag sa akin ni Dianne.
Agad akong lumapit sa kinaroroonan niya at lumakad na kami papuntang bus. Naroon na sa loob si Hiro. Excited ata siyang umuwi.
Saktong pagkaupo ko ay tumunog ang cellphone ko. Baka si Mom.
From : Mommy
Ingat sa biyahe pauwi baby.
Napangiti naman ako. Nireplyan ko ito at itinago ko na ang cellphone ko.
Tinignan ko ang side ni Hiro at nakita ko nanaman ang bata na kasa-kasama niya. Napaka cute talaga. Kamukha niya si Hiro. I wonder if he has a brother na namatay. Para kasing hindi halata na meron siyang pinagdaraanan.
Umandar na ang bus. Tinignan ko ang magandang tanawin dito sa Baguio. Napakaraming parang bundok ng bahay. Sa gabi ay para itong mga bituin. Pero hindi din maikukubli na ang lugar na ito ay maraming nakatira na hindi mo nakikita.
Nakaidlip ako konti pero nagising din ako kaagad ng nag stop over ito.
Terminal to at may mga kainan.
Sakto nagugutom na rin ako.Ginising ko agad sina Dianne at Hiro at inaya para kumain. Masigla naman silang tumango at nagpunta na kami para mag-order nang pagkaen.
"Narinig niyo ba yung kumalabog kagabi?" Tanong ni Dianne.
N-narinig niya yun?
"Narinig mo rin yun? Ako rin e. Hindi na ako tumayo dahil natatakot ako. Lalo na di pa ako nakaka get over sa nangyari dun sa nasa bintana." sabi ni Hiro.
"Akala ko ikaw nga yun bumangon kanina e. Nakapikit lang kasi ako at hindi dinidilat mata ko." Takang tanong ni Dianne at kinagat ang burger niya.
"Hindi, akala ko nga ikaw yun e. Pero nakita ko kanina si Micah na nakahiga sa sahig dun sa sala." Sabi ni hiro at tumingin sa akin. Tinignan rin ako ni Dianne.
"Ginagawa mo dun Micah at sa sahig ka natulog?" sabi ni Dianne.
"A-ano nag sleep walking ako." please maniwala kayo.
At naniwala nga sila. Tumango tango lang sila. Tahimik na kaming kumaen.
Pagkatapos ay bumalik na kami sa bus. Hinintay namin na makompleto kami sa loob bago umalis ang bus.
Sumilip ako sa bintana ng bus at nakita ko nanaman ang batang itim na iyon.Sino ba siya? Bakit simula ng magpunta ako dito ay sinusundan na niya ako?
Kung kailangan niya ng tulong ay tutulungan ko naman siya pero naalala ko lang ang sinabi ni Jana.
Demonyo ito. Isang demonyo ang batang iyon na laging nakasunod sa akin.
Bakit ako susundan ng isang demonyo? Ano ang kailangan niya sa akin?
Isa pa ang pinagtataka ko ay ano ang kinalaman ko sa pamilya ni Jana. Ano ang naging kasalanan ko? Bakit ganoon ang mga sinabi ni Jana sakanila.
Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi ko man lang masagot.
~ ~ ~
AUTHOR'S NOTE :Please vote and comment po. Thankyou! Wait for my next update. Ciao! :)
BINABASA MO ANG
Who are you
TerrorAlas tres na ng madaling araw. Madilim sa loob ng iyong kwarto pero nakikita mo na may isang tao na nakatayo sa iyong pintuan. Makikita mong isang babae ito na nakadamit ng puro puti ngunit may mga bahid ng dugo. Sa ilang minutong pagtingin mo rito...