Malapit lang naman ang Botanical Garden sa White House kaya mabilis kaming nakarating dito.Nagbayad muna kami ng tig 50 pesos dahil may bayad sa entrance nito bago makapasok sa loob ng white house.
Nang makabayad ay sinuri ko kaagad ang malaking puting bahay.
Nakita ko naman na may nakadungaw dito na isang matandang babae. Sa pinakataas ng bahay. Mga nasa late 40's ang hitsura niya.
Siguro isa yun sa care taker dito.
"Micah"
Sino yung bumulong sakin at bakit tinawag ako sa pangalan ko.
Biglang umihip ng malakas na hangin dito pero nakita kong hindi naman sa mga kasama ko na ngayon ay nagpipicture at gumagala na sa loob ng bahay. Siguro nga kasi hindi pa ako pumapasok. Pero sino yung tumawag sa pangalan ko?
Weird.
Pagpasok ko sa loob ng bahay ay parang dinaganan ako sa sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi nakawala sa paningin ko ang isang bata na tumatakbo at umaakyat baba sa hagdan sa loob ng bahay.
Hindi siya tao. Dahil tumatagos siya sa mga kaklase ko na nasa hagdanan ngayon. Halos lahat sila ay tila natatakot at nilalamig.
Nagulat ako nung nasa tabi ko na yung bata at hinihila hila yung dulo ng damit ko.
"Ate ate ate." Yan ang paulit ulit niyang sinasabi habang tinuturo yung hagdaan pataas.
Tumakbo siya roon at parang tinatawag ako na umakyat. Pero pinigilan ko ang sarili kong umakyat at naglibot muna dito sa ibaba.
Umupo ako sa may sofa dito sa sala at laking gulat ko ng may maaninag akong isang babae sa may bandang kusina.
What the hell? Halos maligo na ang babaeng iyon sa sarili niyang dugo.
Lumingon ito sa akin at matalim akong tinignan at tumingala na parang pinapakinggan ang yabag ng mga tao sa taas.
Nagulat ako ng sa isang iglap ay nasa harapan ko na ang babae at sinabing..
"Umalis na kayo. Andiyan lang siya. Umalis na kayo. Bago pa niya kayo makita."
Isang babala. Babala na dapat ay hindi na ito pinapasok ng tao at gawing isang atraksyon. Babalang hindi na dapat ginagambala pa ang mga yumaong nakatira dito.
Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malamig ng marinig ko ang mga sigaw ng mga kaklase ko sa itaas ng bahay.
Dali dali akong umakyat at tinignan kung anong nangyari.
Nakita ko si Dianne na nakahiga sa sahig at walang malay.
Sinuri ko ang paligid at nakita ko ang isang black entity. Akmang lalapitan nito ang kaklase ko ay mabilis kong tinakbo papunta roon at inilabas ko ang nakatagong rosary na kwintas na nakasuot sa akin.
Agad namang lumayo ang itim na kaluluwa na iyon at naglaho.
Kinapa ko ang noo ni Dianne at ang kanyang tenga at napakalamig nito. Balak ng kaluluwang iyon na sapian si Dianne.
Mabilis kong tinanggal ang sapatos niya at minasahe ko ang mga paa niya para mahimasmasan siya at magkaroon na ng malay. Natutunan ko ito sa aking lola na yumao na.
BINABASA MO ANG
Who are you
HorrorAlas tres na ng madaling araw. Madilim sa loob ng iyong kwarto pero nakikita mo na may isang tao na nakatayo sa iyong pintuan. Makikita mong isang babae ito na nakadamit ng puro puti ngunit may mga bahid ng dugo. Sa ilang minutong pagtingin mo rito...