Kabanata II - Voice Recorder

1.6K 72 4
                                    


Dalawang araw ng hindi nagpapakita yung lalaki na yun ah. Bakit kaya?

Nandito ako ngayon sa loob ng cafeteria, si Jana parin yung kasama ko. Pero kung sa mga hindi nakakakita ay makikita mong mag-isa lang ako.

Ayoko lang na nakikisama sa iba. Nandyan naman si Jana bakit pa ako maghahanap diba.

"Ayan na siya oh Micah papalapit na siya sa inuupuan natin." sabi ni Jana habang tinuturo yung direksyon nung lalaki na hindi nagpakita sa amin ng dalawang araw.

Nakatayo lang siya ngayon sa gilid ko pero nakaharap siya sa amin.

Bakit kaya hindi siya nagsasalita? Isa pa ang palaisipan pa sa akin ay si Jana lang ang nakakausap ko. Pero yung iba hindi. Nakatitig lang sila sa'yo or magsasign language.

Naglakad naman siya at parang sinasabi niyang sundan ko ito.

Mabilis kong kinuha ang bag pack ko at sinundan iyong lalaki.

Wait, papunta ito sa locker.

May tinuturo yung lalaki at sinundan ko kung ano yun.

"Teka nga, paano ko mabubuksan yan kung wala naman susi. Nasaan muna yung susi?" Tanung ko dun sa lalaki na sa pagkakatanda ko ay Brian ang pangalan.

Tinuro naman niya ang malapit na classroom dito kaya agad akong pumunta doon at pumasok doon.

Pagkapasok ko doon ay nakaupo si Brian sa pinakadulo na upuan at bigla nalang itong naglaho kaya tinungo ko na agad doon.

Hindi kaya nandito yung susi? Saan naman niya itatago yung susi dito.

Tinignan ko sa ilalim ng desk at nakita kong may nakadikit na susi dito. Kakaiba bakit hindi niya itago sa bag niya iyong susi at sa ilalim pa talaga ng desk.

Kinuha ko na ang susi at nagtungo na muli sa locker. Pupunta na sana ako ngunit bigla akong nakarinig ng yabag ng paa kaya bumalik ako sa classroom at nagtago. Unti unti ko naman sinilip kong sino iyon.

Nakita kong napatigil siya sa harap ng locker ni Brian. Wait, lalake. Ibang section siya pero ka year din namin.

Hindi naman nakatakas sakin ang isang butil ng luha galing sa lalaki.

Bigla namang sumulpot si Brian sa likod nito at hinawakan niya ang balikat ng lalaki. Naging maamo nanaman ang hitsura niya.

Sa tingin ko mapagkakatiwalaan naman siya. Lumabas ako sa pinagtataguan ko at agad kong tinungo ang kinaroroonan ng lalaki.

"Kilala mo si Brian?" sabi ko. Napalingon naman siya sa akin.

"Oo. Sino ka? Bakit mo siya kilala?" Nagtatakang tanong niya.

Shocks, kailangan ko ng palusot. Hindi naman pwedeng sabihin ko sakanya na nakikita ko yung kaluluwa ng kaibigan niya.

"A-ah a-ano kasi, naging kaibigan ko siya dati. He-he."

"Kaibigan? Wala siyang naikwento sa akin tungkol sa'yo."

Isip mag-isip ka Micah.

"A-ano kasi minsan lang kami nagkasama. Gusto ko lang siya makilala." sabi ko.

Bigla namang lumungkot ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Tara sa roof top ikwekwento ko siya sayo." sabi niya at umamo ang kanyang mukha.

Sumama ako sakanya patungong roof top. Mukhang hindi naman siya masama e.

Who are youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon