Dedicated to sherrymaetirano
Tiningnan ko sina Alex at Gino na nakaupo sa isang table sa likurang parte ng paborito naming fast food chain. Magkatapat ang dalawa sa inuupuan at masaya silang nag-uusap habang kumakain ng pizza.
I breathe deeply bago ako pumasok sa loob. Kinakabahan kasi ako lalo na't ngayon ko na itong planong sabihin.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanila at saka naupo sa tabi ni Alex.
"Ang tagal mo Kim," bungad niya sa akin. Ngumiti ako nang malawak at tiningnan ko naman si Gino. Tulad ni Alex ay nakangiti din siya sa akin. Hindi ko tuloy mapigilang mas kabahan.
"Sorry guys. May binili pa kasi ako." Pinanliitan nila ako ng mata pero tumango din naman sila.
"Here! Eat this!" sabi ni Alex at inabutan niya ako ng isang slice ng pizza.
"Thank you!" nakangiti kong sabi at isinubo ko na ito. Inubos ko na agad ang pagkain ko at ininom ang iced tea na binigay ni Gino. I breathe deeply at dahan-dahang nilingon si Gino. Nakayuko siya ngayon at busy sa pagkain niya. Tiningnan ko naman si Alex. Nakatingin siya sa akin at nakangiti pa. Kinunutan ko tuloy siya ng noo. May gana pa talaga siyang ngumiti ngayon. Hindi ba siya kinakabahan? Hindi na nga ako makapag-isip nang maayos dahil sa kaba. Tsk.
Nilingon ko ulit si Gino. He's now drinking his soda at hawak niya naman sa kanang kamay niya ang phone niya. I breathe deeply again. This is really making me stressed out. Ilang beses kong pinaghandaan ito pero heto pa rin ako at kinakabahan.
Muntikan akong mapatalon sa kinauupuan ko nang biglang hawakan ni Alex ang kamay ko. Kunot noo ko siyang tiningnan dahil sa ginawa niya. Nginitian niya lang naman ako at saka siya tumingin kay Gino. "Gino!" tawag niya sa kaibigan namin. Dahan-dahang nag-angat ng tingin sa amin si Gino. I was shocked to see his bored expression.
"Akala ko ay hindi na kayo magsasalita." Natigilan kaming dalawa ni Alex dahil sa sinabi niya.
"H-ha?" tanong ko. Alam na niya? Paano?
"Gino—" Napahinto si Alex nang bigla nalang binagsak ni Gino ang hawak niyang tinidor sa table.
"Aah!" he said out of frustration. Napabitaw si Alex sa akin at pareho naming tiningnan si Gino. Isinuklay ni Gino ang kamay niya sa buhok niya at naiinis kaming tiningnan. Napailing pa siya. "Simula pa kanina ay pinapakalma ko na ang sarili ko para kapag sinabi niyo na sa akin ang lahat ay hindi ako masaktan, pero wala pa rin pala iyong nagawa. Hindi ko talaga kayang tanggapin," kalmado pero may halong inis niyang sabi. Napalunok ako saka nagsalita.
"Gino, I'm sorry." Tiningnan niya ako and he smiled sadly saka siya tumayo.
"I don't think it's the right time for me to hear it. I'll call you when I'm ready." Kinuha niya ang bag niya saka tumalikod pero nilingon niya pa ulit kami. "It's your treat pre," sabi niya kay Alex at lumabas na nang tuluyan. Tiningnan ko si Alex na tahimik lang sa tabi ko.
"Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya," malungkot na sabi ni Alex. "Nagtatawanan pa kami kanina, hindi ko alam na alam na pala niya ang tungkol sa atin." I gave him a weak smile at hinawakan ko ang kamay niya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko rin iniexpect ang nangyari. Paano niya nalaman na kami na ni Alex?
• • •
Hindi ako mapakali habang nakaupo dito sa labas ng boarding house namin. Gino texted me na magkita daw kami ngayon kaya pagkatapos ng class namin ay umuwi agad ako.
BINABASA MO ANG
Second Chance (COMPLETED)
Genel KurguGenre: Short Story | General Fiction | Romance Ang sabi nila, huwag kang mainlove sa bestfriend mo dahil kapag dumating ang time na wala na kayong nararamdaman sa isa't-isa ay tiyak na masisira ang pagkakaibigang binuo niyong dalawa. Pero ano bang...