"Problems are part of life and mistakes are part of being human. It's not how many times you stumble and fall, but it's how you stand up and be a better person after all." ©Anonymous
~❇️~
Moving on is not easy lalo na at kaibigan mo pa ang kailangan mong kalimutan. Hindi mo agad makakalimutan ang mga bagay na lagi ninyong ginagawa lalo na ang pinagsamahan na inyong pinagsaluhan.
Hindi ko na nakausap si Alex after nang pagkikita namin a week ago. He tried to call me pero hindi ko sinagot ang lahat ng tawag niya. Hindi ko pa rin kasi matanggap na ginawa niya iyon sa akin, after nine years ─ hindi ko inaakalang kaya niya pala akong lokohin. Ito na ba ang sinabi nilang "don't ever feel in love with your friend para hindi masira ang pagkakibigan niyo"?
"Kim, tama na yan!" sabi pa ni Mike sa akin nang madaanan niya ako sa table ko. I gave him a weak smile.
"Tatapusin ko lang ito," sabi ko na agad namang nagpasimangot kay Mike.
"Tatapusin? Kim, hindi mo matatapos yan ngayon," Lumapit siya sa akin at saka niya kinuha ang ballpen na hawak ko. "You can continue that tomorrow. Gabi na o, umuwi na tayo!" dagdag niya pa at sabay niyang pinatay ang computer na gamit ko.
"Naman eh!" reklamo ko.
"Sige na. Umuwi ka na." Kinuha niya ang bag ko at sinamahan ako palabas. "Huwag mong pagurin ang sarili mo. Kung may problem ka─ilabas mo, huwag mong idaan ang lahat sa trabaho." Nginitian niya pa ako bago niya ako pinapasok sa taxi.
Kahit na sinabi ni Mike na huwag kong idaan ang lahat sa trabaho ay 'di ko talaga mapigilan. Ito lang kasi ang alam kong tanging paraan para maging abala at hindi laging mag-isip kay Alex. Sa oras na wala akong ginagawa, si Alex agad agad ang pumapasok sa isip ko.
---
Napaupo ako sandali nang bigla akong makaramdam ng hilo. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Nang medyo gumaan na ang pakiramdam ko ay nag-ayos na ako ulit. Kailangan ko pang tapusin ang paper works na naiwan ko sa opisina dahil may deadline akong hinahabol.
"Kim are you okay? Parang may sakit ka ah!" biglang tanong sa akin ni Kristene nang pumasok ako sa trabaho. She gave me this worried look at sabay pang hinawakan ang noo ko.
"Ewan, masama na ang pakiramdam ko simula kaninang umaga. Wala naman akong lagnat pero ang sakit ng ulo ko," pagpapaliwanag ko.
Dahil sa sama ng pakiramdam ko ay wala akong ganang magtrabaho. I even took some medicine pero hindi pa rin nito napapagaan ang nararamdaman ko.
"Gusto mo bang mag-under time?" tanong niya pa. Dahan-dahan akong tumango. Sa tingin ko ay hindi ko na matatapos ang trabaho ko ngayon, I really just want to rest for the day.
"Kim tara! Sasamahan na kita sa labas." Tumango ako at nilapitan na si Kristene. She held my hand as we walked through the corridor.
Napahawak ulit ako sa ulo ko nang sumakit ito. Bigla nalang umikot ang paningin ko and I lost my balance. The last thing I remembered is the time my body fell to ground as I heard Kristene's voice asking for help.
I woke up at the hospital the next day. Paggising ko ay nakita ko sina mommy at daddy sa tabi ko.
"Kim, you're awake!" Napalapit si mommy sa akin at sabay niyang hinaplos ang buhok ko.
"Are you okay? May masakit ba sayo?" tanong naman ni daddy sa akin.
I gave them a smile, a really weak smile. I feel something weird about me, it's like everything seems turning and I really feel dizzy.
BINABASA MO ANG
Second Chance (COMPLETED)
Fiksi UmumGenre: Short Story | General Fiction | Romance Ang sabi nila, huwag kang mainlove sa bestfriend mo dahil kapag dumating ang time na wala na kayong nararamdaman sa isa't-isa ay tiyak na masisira ang pagkakaibigang binuo niyong dalawa. Pero ano bang...