A Year Passed.
Hindi pa rin ako okay pero I'm a lot better now than before. Medyo nagkakalaman na din ako pero kumpara sa dati kong pangangatawan─ I'm really thin right now.
Tiningnan ko ang date sa cellphone ko. "Dalawang taon na pala ang lumipas," sabi ko sa sarili ko.
Hindi ako makapaniwala na dalawang araw nalang mula ngayon ay makikita ko na ulit si Gino. Kahit na kinakabahan ay excited pa rin ako na makipagkita sa kanya.
"Mom, pwede po ba akong magshopping?" Nilingon ako ni mommy with a surprised look.
"You want to go shopping?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako with a smile in my face. "Sure! Magpasama ka na kay Jake!" masayang sabi ni mommy.
"Opo," sabi ko at mabilis na nagbihis.
This is the first time na nagpaalam ako sa kanya na lalabas ako after kong magkasakit kaya I'm sure na ito ang dahilan kung ba't siya masaya.
Matapos na makapag-ayos ay agad na nagtungo kami ni Alex sa mall. Nang pumasok kami ay agad din kaming naglibot.
"Ate, bibili lang ako ng maiinom. Dito ka na muna." I nod kaya umalis agad si Jake.
Napaupo na muna ako sa isang bench sa gilid. Hindi pa kami gaanong nagtatagal ni Jake dito ay pagod na agad ako. Nakakalungkot na wala na ang dati kong sigla.
"Kim?" Nag-angat ako ng tingin. Muntikan na akong matumba sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang tumawag sa akin. "Kim!" sambit niya ulit sa pangalan ko.
"A-Alex." Napahawak ako sa dibdib ko, bigla kasi itong nanikip.
"Kim! I'm glad to see you." Napangiti siya at sabay akong niyakap, hindi ako nakapagsalita. Hindi ko inaasahang makikita ko siya ngayon dito lalo na't mahigit isang taon kaming hindi nagkita.
Nang bitawan niya ako ay tiningnan niya ako nang mabuti. Bigla nalang lumungkot ang mga mata niya.
"Are you okay?"
I breathe deeply dahil sa tanong niya. Natigilan ako nang mapansin ko ang isang babae sa 'di kalayuan. It's Holly, that girl I saw with Alex a year ago. Tiningnan ko ulit si Alex at nginitian siya.
"Can you introduce me to Holly?" tanong ko habang nakatingin kay Holly.
Alex looked surprise after I said that. Tiningnan niya si Holly pero agad din niyang ibinalik sa akin ang tingin niya. I gave him another smile. Hindi ako tuluyang mapapalagay kung pati itong issue naming ni Alex and Holly ay iiwasan ko. I'm not yet fine at hindi ko alam kung gagaling pa ba ako. Bago pa man mahuli ang lahat ay gusto ko munang ayusin ang lahat.
Nakita ko ang malalim na paghinga ni Alex. Tiningnan niya pa si Holly at tinawag ito, mukhang nagulat pa nga ito pero lumapit din naman siya sa amin.
Tiningnan ako ni Holly with those worried eyes. Kita ko rin ang mahigpit niyang hawak sa shoulder bag niya, nakayuko pa ito na parang ayaw bang tingnan ako nang diretso sa mata.
"Hi!" panimula ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin but she looked really surprised. "I'm Kimberly Anne Suarez," pagpapakilala ko with this friendly smile in my face. Hindi siya agad nagsalita, tiningnan niya pa si Alex na parang tinatanong kung okay lang ba ako.
"Uhm... I'm Holly Chen," kinakabahan niyang sabi.
"Ate!" Napalingon kami kay Jake na tumatakbo palapit sa amin dala-dala ang dalawang bote ng mineral water. Tiningnan niya si Alex nang masama at agad pang pumagitan sa amin.
"Jake!" sabi ko sabay hawak sa braso niya. "It's fine," dagdag ko. Nagkunot ng noo si Jake pero tumango siya.
"Kim...I'm so sorry!" biglang sabi ni Alex dahilan para mapatingin kami sa kanya. He look really guilty.
BINABASA MO ANG
Second Chance (COMPLETED)
Ficción GeneralGenre: Short Story | General Fiction | Romance Ang sabi nila, huwag kang mainlove sa bestfriend mo dahil kapag dumating ang time na wala na kayong nararamdaman sa isa't-isa ay tiyak na masisira ang pagkakaibigang binuo niyong dalawa. Pero ano bang...