EPILOGUE

645 20 1
                                    

GINO

Dalawang taon na ang lumipas. It may seem so fast but it is really not. Ang daming nangyari sa dalawang taong iyon at mayroon ring nawala.

Nakatayo ako ngayon sa harap ng isang malamig na semento at tinitingnan ito nang mabuti. Lagi akong pumupunta rito para bumisita at para linisin ito. I don't want it to get dirty!

Nakasulat sa malaking marmol na nakadikit sa harapan nito ang pangalan niya na kahit paulit-ulit ko mang bigkasin ay hindi ko talaga pagsasawaan. "Kimberly Anne Ibañez", napagandang pangalan na bumagay talaga sa nagmamay-ari nito. Walang sinuman ang kayang tapatan siya dahil nag-iisang lang siya sa puso ko.

I never thought na pagkatapos ng pagkikita naming iyon two years ago ay mangyayari iyon sa kanya. She's too young to get sick, kakasimula palang ng buhay niya eh. She's still on the peak of being a grown up at maraming siyang nasakripisyo dahil sa pagkakasakit niya. Bakit iyon nangyari sa kanya?

Napayuko ako at inilapit ko ang noo ko sa malamig na semento na nasa harapan ko. I started to tear up kaya napayuko ako para itago ang aking mukha. I don't want anyone to see me in my weakest state. Nanghihina lang ako lalo kapag may nakakakita sa akin sa ganitong sitwasyon.

"What are you doing?" biglang tanong ng isang babae na dahilan para agad kong punasan ang aking mga luha. Bago ako humarap sa kanya ay ilang beses ko pang sinampal-sampal ang aking mukha para matauhan ako.

"It's nothing," sagot ko at napailing-iling pa ako. Nagkunot naman siya ng noo at tiningnan din ang semento na nasa harapan namin pareho. Napasimangot siya at tinapunan ako nang nagtatampong tingin.

"Para naman akong patay niyan eh!" reklamo niya na ikinatawa ko. "Huwag ka ngang tumawa! Hindi ako nagbibiro Gino," aniya kaya tumigil ako sa pagtawa at nginitian na lamang siya.

"Hindi naman sa ganoon. Umiiyak lang ako dahil sa masaya ako. Hindi ko kasi lubos maisip na tapos na ang lahat. Halos tatlong taon din ang paghihirap mo, kaya ngayong ok ka na ay naluluha lang akong isipin na nakayanan mo ang lahat. Tears of joy kung baga." Nagkunot muli siya ng noo. Mas napalapit siya sa akin at saka hinila ako papalayo sa sementong nasa harapan namin.

"Kung ganoon naman pala, bakit diyan ka umiiyak sa sculpture na ginawa ko? Ang laki pa naman ng pangalan ko diyan kaya baka isipin ng iba na may nakalibing talagang tao diyan," reklamo niya na nagpanguso pa talaga sa kanya. Kapag hindi ako nakapagtiis ay hahalikan ko talaga iyan.

"Sorry na Kim! Natutuwa lang talaga ako na isa ka nang ganap na artist. I never thought na may talent ka pala sa arts," sabi ko at inakbayan ko pa siya. Napasimangot na lang siya pero napangiti din naman ito habang nakatingin sa sculpture na ginawa niya.

Sa loob ng dalawang taong lumipas ay nakita ko talaga ang paghihirap ni Kim at ng lahat ng malapit sa kanya. Nang isinugod namin siya sa hospital ay napag-alaman namin na nagkaroon siya ng complications. Dahil sa paglubha ng kanyang kondisyon ay napagdesisyonan na nina tita na dalhin na siya sa states para doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagaling lalo na't mas advance ang mga kagamitan sa America.

Patuloy siyang nag-chemotherapy sa loob nang halos isa't kalahating taon. Kahit na malayo kami sa kanya ay hindi namin siya kinalimutang kumustahin ni Alex. Araw-araw kung magtawagan kami at minsan pa ay nagvi-video call pa kami sa isa't-isa.

Noong nagkaroon ako ng isang linggong bakasyon sa trabaho ay pinuntahan ko siya sa states kasama ang mama ko. Nagplano kami ni Alex na magkasamang pupunta pero nagkaproblema ito sa kanyang papeles kaya hindi ito nakasama. Sinabi na lamang niya na susunod siya kasama ang girlfriend niyang si Holly na naging parte na rin ng aming barkada. Mabait naman si Holly kaya madali namin itong nakasundo ni Kim.

Second Chance (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon