GINO
Tiningnan ko ang picture namin nina Alex at Kim na nasa wallet ko. It's been two years and I really miss them both lalo na si Kim.
Sa loob ng dalawang taong lumipas, wala akong ibang ginawa kung 'di ang magsisi. Kung hindi ko lang pinairal ang galit at paseselos ko, sana ay kasama ko pa siya ngayon.
I did try a couple of times to contact her, pero nauunahan talaga ako ng takot at hiya kaya hindi ko magawang tawagan man lang siya.
Sabi ni ate ay nakita niya daw si Alex sa amin but not Kim. Siguro ay busy silang dalawa sa trabaho kaya madalang nalang sila kung umuwi, kahit na ako ay 'di na rin nakakauwi sa amin dahil sa trabaho ko.
"Gino, mag-oot ka ba?" tanong sa akin ni Alfred na kunot ang noong pumasok sa opisina namin.
"Hindi, pasensya na─ may lakad kasi ako." Ito ang araw na sinabi kong makikipagkita ako ulit kay Kim. Hindi ko alam kung sisipot ba siya o naaalala niya pa ba ang tungkol dito pero kahit na walang kasiguraduhan ay pupunta pa rin ako.
Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Alfred. "Tss. Bakit ba kasi nasira ang machine sa laboratory? O sige, maghahanap nalang ako ng iba na papayag mag-OT." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagpatuloy na palabas ng silid. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at nagdire-diretso na ako sa labas.
May kalayuan ang pinagtratrabuhan ko sa dating boarding house namin ni Alex nung college kami kaya medyo natagalan ako sa pagpunta doon lalo na't medyo gumagabi na rin at traffic pa. Mula sa dating boarding house namin ay walking distance na ang park. Mahigit isang oras din ang tinakbo nang byahe ko.
Tiningnan ko ang park mula sa loob ng sasakyan ko. It has been two years nang huli ko itong nakita, kasama ko pa noon si Kim─the last time na nakasama ko siya.
Naupo ako sa isa sa mga swing at tahimik na pinanood ang mga batang naglalaro sa isang slide sa 'di kalayuan. Looking at them reminds me of my high school life with Alex and Kim, even when we're in our teens we are playful like those kids.
Ilang beses ko pang tiningnan ang wrist watch ko. Habang tumatakbo ang oras ay mas kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ba dapat ang sasabihin ko kay Kim after all these years. Hindi ko na nga iniisip kung sila pa ba ni Alex o may iba na ba siya─ang gusto ko lang talaga ay ang makita siya. I just miss her so much.
Napatayo ako nang makita ko sina Kim at Alex na naglalakad papunta sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti lalo na't after two years ay nakita ko ulit sila, lalo na si Kim. But those smiles faded away in an instant nang makita ko ang ayos ni Kim. She's really pale at ang payat-payat niya. She look sick!
Gustong-gusto ko silang lapitan ni Alex. Gusto kong hawakan si Kim at yakapin. Muntikan ko na ngang igalaw ang mga paa ko para maglakad papalapit sa kanila pero nang makita kong nakaalalay naman si Alex sa kanya ay nanatili na lang ako sa kinatatayuan ko.
Diretso ang tingin ko kay Kim. Kahit na halatang may nagbago sa kanya ay hindi pa rin kumukupas ang taglay niyang ganda.
Kahit na hindi pa sila tuluyang nakakalapit ay ngiting-ngiti na si Kim sa akin. I gave her a shy smile in response. My heart skipped a beat dahil sa ngiti niya. Oh! How I really missed those smile.
Huminto silang dalawa sa harapan ko at naging tahimik kami. Seryoso lang akong tiningnan ni Kim at si Alex naman ay nakangiti lang sa akin.
"It's been two years pre," ani Alex kaya napatingin ako sa kanya. Tumango lang ako. "Kumusta na?" dagdag niya.
"Uhm... ok lang naman. Kayo?" Napatingin si Alex kay Kim pero si Kim ay diretso pa rin ang tingin sa akin. Napansin ko pa ang pagbuntong hininga ni Alex habang seryoso pa rin ang tingin sa kanya pero nginitian din naman niya ako pagkatapos. Hindi niya sinagot ang tanong ko kaya medyo naikunot ko ang aking noo.
BINABASA MO ANG
Second Chance (COMPLETED)
General FictionGenre: Short Story | General Fiction | Romance Ang sabi nila, huwag kang mainlove sa bestfriend mo dahil kapag dumating ang time na wala na kayong nararamdaman sa isa't-isa ay tiyak na masisira ang pagkakaibigang binuo niyong dalawa. Pero ano bang...